Tuesday, November 27, 2018

ANG KWINTAS

ANG KWINTAS
 (Maikling Kwento mula sa Pransiya)
ni Guy de Maupassant
Salin ni Allan N. Derain


1. PAGKILALA SA MAY-AKDA

Si Henry-René-Albert-Guy de Maupassant o mas kilala bilang si Guy de Maupassant ay isang manunulat na pranses. Nakilala o naging tanyag siya dahil sa kanyang sinulat na maikling kwento na “Ang Kwintas”. Ang isa sa nag-udyok  sa kanya na maisulat ang akda na ito ay ang pagsisikap na maitatag ang Paris bilang larawan ng lipunang Petiburges sa kinis, kislap, at gawi ng mga gitnang ring namumuhay sa lungsod. Bilang produkto ng teoryang realismo, ang kaniyang mga kwento ay nagtatanghal ng pagkaganid sa kayamanan at naglalaman ng madilim na aspekto sa kalikasan ng tao.

2. URI NG PANITIKAN

Ang uri ng panitikan na ginamit ay ang Maikling Kwento sapagkat ito ang sangay ng panitikan na nagsasalaysay. Lahat ng katangiang taglay ng maikling kwento ay nagawa o nasunod ng may-akda na ilapat sa kanyang akda. Ito ang ay ang mga: (1) May isang pangunahing tauhang may suliraning lulutasin. (2) May pagtalakay sa madulang bahagi ng buhay (3) May mahalagang tagpo at (4) Higit sa lahat may mabilis na pagtaas ng kawilihan hangang sa kasukdulan na susundan ng wakas.

3. LAYUNIN NG MAY-AKDA

Ang nakita naming layunin ng akda ay iparating sa atin o maipakita niya sa atin ang mga nangyayari sa ating mga tao at sa ating lipunang ginagalawan. At kung ano ba ang magiging resulta kapag ang solusyon na ginawa natin sa isang maling gawain ay maling pamamaraan din.

PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN 

Mailalapat ang Teoryang Realismo sa akdang “Ang Kwintas”. Ito ang Teoryang ipinapakita ang mga karanasan at nasasaksihan ng may akda sa lipunang ating ginagalawan. Mailalapat din ang mga teoryang tulad ng Teoryang Sikolohikal at Teoryang Dekonstruksiyon.   
Narito ang mga iilang linya na nagpapakita ng Teoryang Pampanitikan:
  1. “Matindi ang kaniyang pinagdaanang dusa dahil sa pakiwaring nakalaan siya dapat sa mga luho ng buhay. Pinagdusahan niya ang kanilang payak na bahay, kasama na ang marurungis nitong dingding, mga lumang silya, at pangit at madumas na pangsapin”.
  2. “Nauunawaan na ngayon ni Ginang Loisel kung paano ang magipit at mabuhay sa kakarampot”.
  3. “Sumayaw siya, lango, ganap na nagpapatunay sa atin ng kaligayahan sa nararanasang lugod. Walang naiisip kung hindi ang tagumpay na tinatamasa dahil sa kaniyang ganda, sa luwalhati ng kaniyang mga pangarap, na tila nasa ulap ng kaligayahan na yari sa lahat ng mga alay, sa lahat ng mga paghanga, at lahat ng mga dating minimithi na biglang nagsigising, lahat ng ganap na tagumpay ng mahal na mahal sa puso ng isang babaeng tulad niya”.

4. TEMA O PAKSA NG AKDA

Napapanahon at makabuluhan ang paksa at tema ng kwentong "Ang Kwintas" sapagkat ang tema ng kwentong ito ay maari nating iugnay sa mga nangyayari sa atin sa realidad o sa tunay na buhay. Ang naging paksa naman ay naging mapaghangad sa buhay ang tauhan sa akda.

5. MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA

Para sa amin ang mga naging tauhan/ karakter sa "Ang Kwintas" ay mga taong likha na ng lipunang ginagalawan. O sa madaling salita ay sumasalamin tayo sa karakter sa akda.

6. TAGPUAN/ PANAHON

Sa akda na ito ay masasabi namin na ang tagpuan at panahon ay angkop sa mga sitwasyon na nangyayari at makatotohanan. Lahat ng mga pangyayaring naganap ay tama lamang at hanggang ngayon, ang mga ganoong uri ng pangyayari ay nagaganap pa rin sa lipunang ating ginagalawan.

7. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

Masasabi namin na ang akdang ito ay hindi pa ganoong karaniwan dahil mayroon pa rin naman itong mga taglay na kakaiba nilalaman. Iba pa rin ito sa ibang kwentong ating ng nabasa sapagkat sa kwentong ito ay naka-ugat pa rin o ang naging pokus ng akdang ito ay tayo o ang realidad na nangyayari sa ating mga tao at sa lipunang ating ginagalawan. Naging maayos naman ang pagkakasunod-sunod ng pagkwe-kwento ng akda dahil pag naman ito'y ating ng nabasa ay madali naman itong intindihin kung ano ba ang gustong iparating sa ating mambabasa ng may akda. Napaka-importante ng aral na gustong iparating sa atin ng may akda na huwag tayong maging mapaghangad sa buhay, dahil hindi lahat ng gusto natin ay maari nating makamtan o makuha at kung ito'y ating pang ipipilit ay maaring mayroon pang nasamang kalabasan o mangyari hindi lang sa atin kung pati na rin sa mga naka paligid sa atin.

8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA 

Napaka ganda ang naging kaisipan o ideyan nakapaloob o taglay ng akdang "Ang Kwintas" dahil nga sumasalamin ito sa nangyayari sa realidad na ang pangunahing tauhan ay tayo, ang mga tao sa lipunan. Naging malinaw ang kaisipang taglay nito, (1) Dapat na mas inuuna natin yung mga bagay na ating kailangan kaysa sa mga luho lamang. (2) Hindi maitutuwid ang isang mali sa isa pang pagkakamali, mayroon isang parte sa akda na nagpakita ng ganitong sitwasyon, dapat tandaan natin na ang isang mali ay hindi dapat lulutasin o sosulusyunan gamiy ang isa pang maling paraan. (3) Ang pinaka importante sa lahat ay yung dapat makuntento tayo kung ano lang ang mayroon sa atin. Hindi dapat tayo mag asam ng mga bagay na wala tayo o mag asam na magkaroon ng ganitong bagay sapagkat pwedeng humantong ito sa pagkakaroon ng hindi magandang pangyayari sa ating buhay.

9. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA

Naging epektibo at angkop naman ang mga salitang ginamit sa akda dahil hindi ito masyadong malalim na salita ang ginamit sa akda, at naging angkop pa ito sa panitikan na ginamit niya ang "maikling kwento". Naging sakto lang para sa mga mambabasa na maintindihan ang akda at kung ano ang gusto niyang iparating gamit yung naging estilo ng may akda.

10. BUOD

Ang maikling kwento ay patungkol sa ginang na nang hiram ng kwintas sa kanyang kaibigan upang gamitin sa pagtitipon na pupuntahan ng mag-asawa. Nawala ang kwintas na ginamit niya kaya ang mag-asawa ay naghirap sa kanilang buhay sa pag-aakalang isang mamahalin na kwintas ang kanyang ginamit, ngunit pagdating sa huli ay nalaman lang nang ginang na ang kwintas ay gawa lamang sa pwet ng baso at hindi ito katulad ng mga totoong ginto.










5 comments:

  1. ILOVE YOU DANICA KAHIT FRIEND ZONE MO NAKO FEB 14 2021 WALA AKO JOWA RUZEL GARCES

    ReplyDelete
  2. nandito ko sa tagalog version ng the necklace para itranslate sa english para di maplagiarism ahihihi

    ReplyDelete

AWIT NG INA SA KANYANG PANGANAY

AWIT  NG  INA   SA   KANYANG   PANGANAY Isang  tula   mula   sa  Uganda Salin   sa  Ingles  ni  Jack H.  Driberg Salin  ...