Tuesday, November 27, 2018

Nakaligtas si Melchizedek sa Bitag

           Nakaiwas si Melchizedek sa Bitag
                 (Parabula mula sa Italya)
                    ni Giovanni Boccacio
           Salin ni Cristina Dimaguila-Macascas



1.) PAGKILALA SA MAY-AKDA
        Giovanni Boccacio ay isang manunulat sa panahon ng Renaissance era mas kilala siya bilang Reinaissance humanist. Ang Melchizedek e il Saladino (Nakaligtas si Melchizedek sa bitag) ay nailathala nang nakaranas sila ng "black death". Sa trahedyang ito isa sa mga akdang nakapailalim sa librong decameron (koleksyon ng mga akda ni Boccacio) ang nakaligtas si Melchizedek sa bitag. Naging daan ang "black death" upang gumawa ng koleksyon si Boccacio at naisama ang nasabing akda sa Decameron ng mahusay na awtor.

2.) URI NG PANITIKAN
            Ang uri ng panitikan na ito ay isang Parabula. Hinango ni Giovanni Boccacio ang kanyang akda sa Bibliya ilang beses din nabanggit ang ngalan ni Melchizedek sa mga berso ng mga bibliya. Nasabi din na uri ito ng Parabula dahil sa mga nasabing relihiyon at sa gintong aral na nakapaloob dito.

3.) LAYUNIN NG AKDA
     Ang layunin ng awtor sa akda ay mulatin ang sanlibutan sa pagkakapantay -pantay ng relihiyon sa ating lipunan.

PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANTIKAN :Teoryang Moralistiko dahil sa pinakitang aral ni Melchizedek sa pagsagot sa katanungan ni Saladin na kung ano sa tatlong relihiyon (Islam, Kristiyanismo at Hudaismo) ang mga dakila , sumagot si Melchizedek ayon sa paniniwala ng tao sa relihiyon.Maari rin din dito ang Teoryang humanismo dahil sa paggamit ng talino ni Melchizedek sa pagsagot sa katanungan. Dahil nagawa niyang maihalintulad ang karanasan niya sa kaniyang anak sa relihiyon at ang Teoryang historikal , dahil sa taglay nitong kalumaan nahahayag at di pa rin ito nalalaos. Nasasalamin ng akda ang tauhan noong panahon hanggang sa ngayon.

4.) TEMA O PAKSA NG AKDA
       Ang paksa ng akda ay ang relihiyon. Maaring nais ng awtor ang maimulat ng mambabasa sa pagkapantay-pantay ng relihiyon sa ating lipunan, na walang diskriminasyon ang lumalaganap sa atin pagdating sa usapang relihiyon. Tinuro din ng akda ang ating pagpapahalaga at pagmamahal sa ating mga relihiyon, kung paano nila pagyayamanin ang napiling relihiyon. 

5.) MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA

            Ang pangunahing tauhan sa akda ay sina Melchizedek at Saladin. Si Melchizedek ay isang matalino subalit kuripot na sa kabilang banda si Saladin ay isang sultan na mayroon magandang loob na nagbalak mangutang kay Melchizedek na may bitag na tanong bago sabihin ang pasya sa kaniya. 

6.) TAGPUAN/PANAHON
          Ang tagpuan sa akda ay sa palasyo ni Melchizedek o sa Alexandria .Sa Alexandria naninirahan ang hudyong si Melchizedek samantala sa panahon,makikita natin na masinsinang nag-usap ang magkaibigan kaya naman maari itong umaga nang sila'y nag-usap.


7.) NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI 
      Ang kuwento ay luma man 'di pa rin nalalapi sapagkat taglay nito ang dulog na historikal . Para saamin, wala man bagong anggulo ang nakapaloob sa kuwento.Ito naman ay binubuo ng iba't ibang kakaibang nilalamang taglay tulad na lamang ang kasagutang base sa realidad na siyang mas nagbibigay unawa sa ating lahat .

BALANGKAS NG PANGYAYARI:
  1.) Binigyang introduksiyon ang mga tauhan at lugar na nakapaloob sa kwento.
  2.) Ang sunod ay ang pagpapasya ni Saladin na bigyang katanungan si Melchizedek bilang isang bitag.
 3.) Ang climax sa istorya ang 'di maasahang pagsagot ni Melchizedek sa tanong ni Saladin na siyang dahilan sa pagkabigla nito na nakaiwas si Melchizedek sa kaniyang bitag.
4.) Nakalusot si Melchizedek sa bitag na inihanda ni Saladin.
5.) Sunod ay sinabi na rin ni Saladin ang kanyang pasya na kaagad naman na tinugunan ng hudyo at sa wakas ay naibalik ni Saladin ang salapi at sila ay nanatiling magkaibigan.

8.) MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
      Hindi lamang sa simpleng maikling kuwento ang taglay ng akda bagkus sinamahan ito ng matalinghagang pangyayari upang mas malinang ang aral sa ating mambabasa. Maaari rin na ibigay ang ideya sa atin ng manunulat sa pagmulat natin sa tunay pagpapahalaga at pagkakapantay-pantay ng ating saloobin sa anumang bagay at pangyayari.

9.) ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
     Ang estilong ginamit ng awtor sa akda ay maikling kuwento. Nakapailalim sa maikling kuwento ang Parabula na siyang uri ng panitikang ginamit sa akda : Napukaw ng atensyon ng mambabasa ang kuwento sa tulong din ng estilong ginamit ng akda dahil mas nabigyang-aral at nabigay ang sapat na impormasyon ng kuwento na walang kulang na mas naiintindihan ng mambabasa.

10.) Buod 
    Si Melchizedek ay isang mayaman na hudyo subalit may katangiang pagiging kuripot pagdating sa salapi. Nariyan din si Saladin na isang sultan na nais makahiram sa hudyo ng pera sapagkat naubos ang kanyang pera sa pakikipagdigma, ang sultan ay may kagandahang-loob ngunit gumawa siya ng bitag upang maging sigurista sa paghiram ng pera sa hudyo.





No comments:

Post a Comment

AWIT NG INA SA KANYANG PANGANAY

AWIT  NG  INA   SA   KANYANG   PANGANAY Isang  tula   mula   sa  Uganda Salin   sa  Ingles  ni  Jack H.  Driberg Salin  ...