Tuesday, December 4, 2018

Liongo

LAYUNIN - Ang layunin ng akda ay kailangan kilalanin natin ng mabuti ang mga taong ating nakasasalamuha bago ibigay ang buong tiwala sa kanila.

TEORYA -  Sikolohikal- dahil naging pag-uugali ni Liongo ang ibigay kaagad ang buong tiwala niya sa mga taong nakakasama niya na hindi niya pa gaanong nakikilala ng lubusan na kanya namang ikinapahamak.

Moralistiko- dahil hindi nagbalak gumanti si Liongo sa pinsan niyang nagkulong sa kanya kahit na siya ay may angking lakas.

TEMA - Ang tema ng mitolohiyang “Liongo” ay patungkol sa katapangan ng isang bayani na may kakaibang mga katangian at pinapakita rin fito ang mga suliranin at paglalakbay na kaniyang pinagdaanan.

TAUHAN - Liongo
Mitolohikal na bayani ng mga
mamamayan ng swahili at pokonio sa silangan ng kenya.
Ipinanganak sa isa sa pitong bayan sa baybayin ng kenya, siya ay
may natatanging lakas at kasing taas ng isang higante.
Siya ang dating hari ng Ozi at Ungwana Sa Tana Delta at ng Shanga sa Fosa, isla ng Pate.
Hindi siya nasasaktan o nasusugatan ng anumang sandata ngunit kapag itinurok ang isang karayom sa kanyang pusod, siya ay mamamatay. Sa kabutihang palad ay siya at ang kaniyamg ina lang ang nakaaalam ng sikretong ito.

Mbwasho
Siya ang ina ni liongo                                                      Sultan/Haring Ahmad
Siya ang pinsan ni Liongo
Ang hinirang na bagong hari
ng buong pate.
Nag pabilanggo at nag pakadena
kay liongo dahil sa kagustuhan niyang
mawala ito.
Watwa
Mga nananahan sa kagubatan
  Na nakasama ni Liongo.
Hari ng Galla (Wagala)
Ang nag pasyang ipakasal ang
kaniyang anak na babae kay liongo
upang mapabilang ang bayani sa
kaniyang pamilya.
Anak na lalaki
Ni Liongo
Anak niya na nagtaksil at
pumatay sa kaniya.


TAGPUAN- SWAHILI – kung saan maraming nag-alay ng tula kay Liongo
POKONIO – ito ay silangang bahagi ng Kenya. Dito ay isang mitolohikal na bayani si Liongo.
KENYA – sa lugar na ito kung saan pinanganak at naninirahan si Liongo.
OZI, UNGWANA, SHANGA – ang mga lugar kung saan naghari si Liongo.


NILALAMAN - si liongo ay isang mitolohikal na bayani ng mga mamamayan ng Swahili at Pokonio sa silangan ng Kenya. si Liongo ay may natatanging kalakasan at kasintaas ng isang higate. si Liongo ay hari sa Ozi at Ungwana sa Tana Delta at ng Shanga sa Fosa o isla ng Pate. subalit ang hinirang na bagong hari ay hindi si Liongo, kundi an kanyang pinsan na si Sultan Ahmad. Nais ni Sultan Ahmad na mawala si Liongo kaya ibinilanggo at ikinadena nito si Liongo. Tumakas si Liongo at nagtungo sa kagubatan upang doon manirahan. kasama nito sa kagubatan ang mga Watwa. ang hari ng galla ay nagpasyang ipakasal ang kanyang babae kay Liongo upang mapabilang ang bayani sa kaniyang pamilya , at nagkaroon ito ng anak. ang anak nila ay naging taksil at pinatay ang kanyang ama na si Liongo.

KAISIPAN -Dapat hindi tayo magpadalos dalos sa ating gagawing desisyon. Nararapat na isipin muna natin ito ng maigi. Kilalanin muna ang tao na ating nakasasalamuha bago ibigay ang buong tiwala para sa huli ay hindi tayo ang kaawa-awa at hindi ito ang magiging dahilan ng ating pagkalugmok.

ESTILO - Ang estilo na ginamit sa kwentong liongo ay pag sasalaysay dahil sa kwento sinalaysay ang kaniyang buhay.


BUOD - Sa ikapitong bayan sa baybayin ng Kenya ay Isinilang si Liongo ang nagmamay-ari ng karangalang pinaka mahusay na makata sa kanilang lugar. Maliban sa isang magaling na makata, si Liongo ay Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante na hindi natitinag ng ano mang armas. Naging hari si Liongo ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate na unang napunta sa kanyang pinsang si Haring Ahma na kinilalang kauna- unahang namuno sa Islam.
Naging malaki ang pagbabago dahil sa pagsalin ng trono mula kasi sa pagiging Matrilinear na pamamahala ng mga kababaihan ito’y nagging Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan.

Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Habang ang parirala nito ay inawit ng mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala na hindi nakikita ng bantay. Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pag-awit.
Tumakas siya at piniling mnanirahan nalamang  sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa  kagubatan. Natuto itong gumamit ng busog at palaso. kinalaunan ay nanalo siya sa  paligsahan ng pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip ngunit  muli na naman siyang nakatakas. Ibinigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya. Nagka-anak si Liongo ng isang lalaki na kalaunan ay nagtraydor sa kanya at pinatay.

1. Ano ang layunin ng akda?

2. Bakit sikolohikal ang nilapat na teoryang pampanitikan?


3. Bakit moralistiko ang nilapat na teorya?




1 comment:

AWIT NG INA SA KANYANG PANGANAY

AWIT  NG  INA   SA   KANYANG   PANGANAY Isang  tula   mula   sa  Uganda Salin   sa  Ingles  ni  Jack H.  Driberg Salin  ...