PANGANAY
Isang tula mula sa Uganda
Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Salin sa Filipino ni Marina Gonzaga-Merida
MAY-AKDA
Si Jack Herbert Driberg ay ipinanganak noong Abril 1888 namatay noong Pebrero 5, 1946. Siya ay nagtatrabaho sa Uganda protectore noong 1912 at lumipat sa Anglo Egyptian Sudan. Bago siya umalis ay nagsulat muna siya ng libro ng Lango.
URI NG PANITKAN
Ang uri ng panitikan ay ang “tulang pasalaysay” ay uri ng tula na nagsasaad ng kwento. Itoy kadalasang ginagamitan ng boses ng tagapagsalaysay at ng mga tauhan. Ang ganitong uri ng tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang istoryang kinukwento nito ay maaring komplikado. Ito ay karaniwang dramatiko, may layunin, ibat ibang tauhan.
LAYUNIN NG MAY AKDA
Ang layunin ng nasabing tula ay magbigay ng kaisipan patungkol sa pagpapangalan sa panganay na anak. Ipinakita rito na maaring maging repleksyon ng isang sanggol ang kanyang pangalan pagdating ng panahon, kung kayat ito at dapat pinagiisipang Mabuti.
TEORYA
Maisasalin sa tulang pasalaysay ang teoryang Romantisismo dahil sa mga sumusunod na pangyayari mula rito:
- Nang sinabe ng ina na hindi maaring ang pangalan ng kanyang sanggol ay ikahihiya. Marahil ang isang ina ay hindi kalianman ikahihiya ang kaniyang anak.
- Paulit ulit na nabanggit ang mga katagang “O aking anak” na nag papakita kung gaano niya niyayakap na ito ay kanyang sanggol.
- Sa parte na “Anak anak ko, ikaw ay tinatanggap na pag-ibig mula sa aking asawa,” masasabing sumisimbolo ang sanggol bilang bunga ng pagmamahalan ng dalawang tao.
TEMA
Ang tema ng awit ng ina sa kaniyang panganay ay may dalang mensahe tungkol sa kanyang anak, pangarap niya para sa kanyang anak at ang pag mamahal ng isang ina
TAUHAN
Ang tauhan sa akdang awit ng ina sa kanyang panganay ay ang ina at sa kanyang panganay na anak. Umiikot ito sa kaligayahan ng ina sa kanyang panganay na anak at kung paano ito lumaki o ano ang magiging buhay nito
TAGPUAN
Walang naging tagpuan sa tulang pasalaysay marahil ang tagapagsalaysay ay hindi naalis sa kanyang kinatatayuan at dahil wala rin namang nakasaad sa tulang pasalaysay na kung nasaan ang tagapag salaysay at ang kanyang panganay na anak.
NILALAMAN
Noong binasa ko ang tulang pasalysay na “Awit ng Ina sa Kanyang Panganay”, sa simula pa lang ay bago na sa aking pandinig. Dahil sa ngayon pa lang ako nakakita ng tulang pasalaysay na pinoproblema ang may akda sa pagbibigay ng pangalan sa kanyang panganay na anak. Pero ang pananaw naman ng tagapagsalaysay o ng ina ay matagal na o luma na ang kaugalian subalit ibang anggulo ito sa mga tipical na mga tula. Kakaiba ang atake na ginawa ng author ng tula simula umpisa hangang sa huli ay napaka ayos nang pagkakalapat ng mga salita at may kaisahan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa tulang pasalaysay at mayroon akong isang natutunan na ang mga magulang lalo na ang mga ilaw ng tahanan ay handang ibigay ang "the best" para sa kanilang anak. Kaya tayong mga anak dapat natin silang pasalamatan dahil kaya nilang ibigay ang lahat ng pupwede nilang ibigay pero bakit tayo hindi natin ito magawa?
KAISIPAN
Maraming mahihinuhang kaisipan sa nabasang teksto, narito ang iilan:
- Nararapat lang na pagisipang mabuti kung ano ang ipapangalan sa mga anak dahil maaari itong magpakita ng kung sino sila
- Hindi maiikukumpara ang pagmamahal ng magulang sa kanyang mga anak
- Mahalaga ang mga kabataan dahil sila ang tatanggap ng tungkulin ng kanilang mga magulang o nakatatanda sa kinabukasan
ESTILO
Ang akdang nabasa ay nakasaad sa estilong pasalaysay at sa paraang patula. Masasabi na ito ay tulang liriko na oda dahil ang tulang ito ay dedikado sa iisang tao, ang kanyang anak. Ginamitan din nang malayang taludturan ang nasabing tula. Naging masining ang may akda sa kanyang tula at maayos rin ang paggamit ng mga salita sa teksto dahil madali itong basahin at unawain. Ang paggamit ng mga masisining ngunit madaling intindihin na mga salita ay nakatulong kumuha ng atensyon ng mga mambabasa
BUOD
Ang akdang "Hele ng Ina sa kanyang Panganay" ay isang tula patungkol sa pangarap ng isang ina sa kanyang panganay na anak. Dito inilarawan ng kanyang ina ang sanggol, mula sa kanyang paghawak at pagkapit inang mabuti. Nangarap ang ina na siya'y magiging isang magiting na mandirigma na mamumuno sa kalalakihan. Nagsimula rin ang pagiisip nito ng ipapangalan sa sanggol na kanyang nasa bisig. Inisip niya ang mga hindi kanais nais na kalalabasan, dahil ito ang sumasalamin sa kung anong ugali at klase ng tao ang nasabing sanggol. Kung kaya't masinsinan niyang inisip ang itatawag sa anak. Dito ay pumasok na sa isipan ng ina ang mga gugustuhin niyang kalabasan ng kanyang anak pagka ito'y nagkaroon na ng sariling isipan. Nais nito na maging magiting at malakas ang kanyang panganay, na haharap sa kahit na anong pagsubok sa buhay, at maging huwarang indibidwal na hawak ang pag-asa ng kinabukasan.
Ano po ang ibig sabihin ng linya na "Paano kita pangangalanan, aking inakay? Ikaw ba'y lahi ng iyong lahi o naiibang nilalang?"
ReplyDeletePara sa mga abnormal po.
ReplyDeleteAng inakay ay tumutukoy Sa Anak na pinag-uusapan Sa Tula ang taludtod na Ito ay nagpapahiwatig na Sa kaniyang kultura ang pagpapangalan Sa Anak ay dapat na pinag-iisipan Hindi katulad Sa atin na maaring isunod Sa ama O sino Kang miyembro Ng pamilya.
ReplyDeleteAno po ang pagsusuri sa tulang hele ng isang ina sa kaniyang panganay
ReplyDeleteAno po ang pagsusuri sa tulang hele ng isang ina sa kaniyang panganay
ReplyDeleteAno po ang mga simbolismo po?
ReplyDeleteAno ang kasiningang ipinapakita?at paliwanag
ReplyDeleteAno ang kasiningang ipinapakita?at paliwanag
ReplyDeleteano po ang simbolismo?
ReplyDeleteIlaw ng tahanan
ReplyDelete