Tuesday, December 18, 2018

Paglisan


Paglisan




     ni Chinua Achebe


Pagkilala Sa May-Akda



Si Chinua Achebe ay isang nobelista, makata, propesor at kritikong Nigerian. Ang kanyang unang nobelang Things Fall Apart noong 1958 ay madalas na isinasaalang-alang bilang pinakamahusay at pinaka-malawak na babasahing libro sa modernong Aprikano panitikan na kanyang naiambag kaya ay nanalo siya sa Man Booker International Prize noong 2007.

Hindi siya nasiyahan sa mga aklat tungkol sa Africa na isinulat ng mga awtor na galing sa Britanya at dahil sa nararamdaman niya na ang mga paglalarawan sa mga taong Afican ay hindi naaayon at nakakainsulto kaya ito ay nag-uudyok sa kanya upang sumulat ng nobela habang nagtratrabaho para sa Nigerian Broadcasting Corporation para sa kanyang unang likhang nobela na "Things Fall Apart".


Uri ng Panitikan 


Ang Things Fall Apart ay isang nobela, akdang-buhay o kathambuhay na isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila ng isang masining na pagsasalaysay.


Layunin ng Akda




Ang layunin ng may akda nung isinulat niya ito ay para sa ating buhay na dapat hindi tayo
magpadaig sa takot. Dapat ang mga problema ay hinaharap kahit gaano pa ito kabigat. Hindi ito masososlusyunan sa pamamagitan ng pagtakas lalong lalo na ng pagpapatiwakal. Layunin din nitong manghikayat sa mga mambabasa na tanggalin ang takot sa ating mga sarili at pinuin ito ng katapangan sa bawat bagay na ating gagawin. 


Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan



  • Realismo



Sa teoryang ito, ipinapakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may akda sa kanyang lipunan.Sa teorya rin na ito maaring maihalintulad ang mga panyayari sa ating lipunan ngayon.

Nakapaloob sa akdang ito ang napakaraming dahilan para masabing ito ay teoryang realismo. Tulad na lamang ng arugain ni Okonkwo at naging magkasundo sila ni Ikemefuna at itinuring siyang ama nito pero nagawa niya paring patayin ang bata. Sa kasalukuyang panahon, napakaraming mga tao ang mga nagtataksil. Sunod naman, ang ginawang pagtakas ni Okonkwo ng mabaril nya ang anak ng yumaong nagpayo sakanyang si Ogbuefi Ezeudu. Mahahalintulad din ito sa mga panyayaring pagtakas ng mga tao sa kanilang mga problema. At ang pinakamalala sa lahat, ang pagpapatiwakal nito. Sa buhay, hindi sagot ang pagtakas sa mga problema lalong lalo na ang pagkitil sa sarili, dahil hindi naman nito masosolusyunan ang iyong mga paghihirap, bagkus ay lalo lamang palalalain.

  • Historikal



Sa teoryang ito, pinapakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na syang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang paghubog.

Ang nobelang ito ay isang teoryang historikal dahil ipinakita dito ang mga nangyari sa kanilang lugar lalo na sa mga ginawa o nangyari sa mga tao sa Nigeria.


Tema o Paksa ng Akda





Ang nobela ay tungkol sa pagpapahalaga sa kultura ng Bansang Nigeria, pag-unawa sa mga tradisyon na nakapaloob sa kanilang bansa, pag-ahon sa pagkakalugmok at pagpapahalaga sa mga aral na natutuhan mula sa mapapait  na karanasan. Ito ay makabuluhan dahil nararanasan natin ang mga ganitong sitwasyon sa ating buhay. Ito din ay napapanahon dahil lahat ng tao ay nakakaranas ng mga ganitong sitwasyon.


Mga Tauhan o Karakter sa Akda




Okonkwo - Isang matapang at respetadong mandirigma na nagmula sa lahi ng mga Umuofia.

Unoka - Ang ama ni Okonkwo.

Ikemefuna - Ang batang lalaking kinuha bilang tanda ng pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia.

Ogbuefi Ezeude - Isa sa matatandang taga-Umuofia na nagbabala kay 
Okonkwo na huwag makialam sa planong pagpatay kay Ikemefuna.

Obierika - Ang kaibigan ni Okonkwo na matiyagang kinukuha at inaani ang mga pananim sa dating lugar ni Okonkwo.

Uchendu - Ang tiyuhin ni Okonkwo na malugod silang tinanggap sa kanilang pamayanan.

G. Kiaga - Isang interpreter na tumulong kay G. Brown upang kausapin ang mga taga-Mbanta.


G. Brown - Ang lider ng mga misyonerong kumausap sa mga taga-Mbanta.

Rev. James Smith - Ang pumalit kay G. Brown ng nagkasakit siya. Isang malupit at bugnuting misyonero.

Enoch - Ang humablot sa takip sa mukha ng isang Egwugwu.


Egwugwu - Ang sumunog sa tahanan ni Enoch at sa simbahan.



Mga Tagpuan o Panahon





Nigeria - Isang bansa sa Africa sa Golpo ng Guinea.

Umofia - Isang hindi gaanong kilala at kalakihang tribo sa Nigeria.

Mbanta - Ang lugar ng kapanganakan ng ina ni Okonkwo. 

Abame - Isang pamayanan ng mga Umofia.

Lugar ni Okonkwo - Dito natagpuang nakabitin si Okonkwo.




Nilalaman o Balangkas ng mga Pangyayari





Ang mga nilalaman ng mga pangyayari ay karaniwan ng makikita sa ating lipunang ginagalawan. Wala ng kakaiba tungkol dito dahil maraming mga tao ang hindi nakakaunawa sa mga tradisyon ng bawat bansa tulad nalang ng sa Africa. Masasabing luma na ang mga pangyayari sapagkat noon pa man ay may mga hindi na pagkakaunawaan tungkol sa relihiyon at kultura ng mga bansa.


Kaisipan



• Ang kapangyarihan ay nangingibabaw kaysa sa pagmamahal.

• Sa bawat pagkakamali ay hindi mawawalan ng konsensiya.

• Ang isang kasalanan ay maaaring makapagbago sa pag-iisip ng mga tao.



Istilo 




Sa pagsasalaysay, pinanatili ni Achebe na simple at direkta sa punto ang mga salita kaya naman ay naging epektibo ang paraan ng pagkakagamit ng mga salita. Ginamit niyang estilo ang kanyang layunin na paggamit ng wika upang ilarawan kung paano tinitingnan ng mga Ibo ang kanilang mundong ginagalawan. Angkop na angkop  ang antas ng pag-unawa dahil karaniwan na ang mga salitang ginamit sa akda. Makikita mo rin kung saan-saan ang mga grupo ng mga salita at parirala ng mga Ibo. Gumamit din si Achebe ng isang toneladang salawikain na nagpapahiwatig ng tradisyunal na kasabihan ng kanilang kultura at mga maiikling kwento nila na pinaliliwanag ang mga tradisyon at kasaysayan ng kanilang bansa dahilan ng pagiging masining nito na nagbigay ng kulay sa kabuuan ng akda. Sa kabuuan ng nobela, nakagawa si Achebe ng isang kamangha-manghang gawa ng sining kung saan ay nakuha niya ang diwa hindi lamang ng kanyang mga katutubo ngunit pati na din ang kanyang mga mambabasa dahil sa wika ng mga Igbo sa pamamagitan ng paggamit niya ng wikang Ingles.



Buod




Si Okonkwo ay isang respetadong tao sa mga taong Igbo, ngunit namumuhay siya sa takot na maging tulad ng kanyang tamad, duwag at kahiya-hiyang ama. Sa takot niya na maging katulad ng kanyang ama, gumawa siya ng kanyang unang pinakamalaking kasalanan sa pamamagitan ng pagpatay sa kanyang ampon na anak na si Ikemefuna. Di naglaon ay nakagawa si Okonkwo ng kanyang ikalawang malaking kasalanan sa pamamagitan ng hindi sinasadyang pagpatay sa isang kanayon at dahil dito ay kinakailangan na maabswelto siya sa pamamagitan ng paglalaan ng pitong taon sa  kanyang inang-bayan dahil sa pagpapatapon sa kanya. 

Pagkatapos ng pitong taong pagpapatapon, bumalik siya sa Umuofia ngunit ang pagtanggap sa kanya ay hindi kasing ganda ng inaasahan niya. Ito ay dahil dumating ang mga misyonero at binago ang estilo ng pamumuhay ng Igbo. Naging mga kapatid laban sa mga kapatid at ang pagpapatupad ng mga labag sa batas na pamahalaan at
sistema ng hustisya ay lumaganap. Kalungkutan at pagkagalit ang nararamdaman ni Okonkwo sa mga pagbabago na nakikita niya na gawa ng mga puting kalalakihan kaya hinikayat niya ang mga pinuno ng Umuofia na magsagawa ng agresibong aksyon laban sa mga misyonero. Si Okonkwo at iba pang mga lider ng komunidad ay sinunog ang simbahan ngunit sila din ay nabilanggo at pinahiya ng mga puting kalalakihan at dahil dito ay naghangad si Okonkwo ng digmaan, ang pagpatay sa isa sa mga puting opisyal ng gobyerno. Noong napagtanto niya na ang Umuofia ay hindi kailanman maghihimagsik laban sa mga mang-aapi, siya ay nagpapatiwakal.

10 comments:

AWIT NG INA SA KANYANG PANGANAY

AWIT  NG  INA   SA   KANYANG   PANGANAY Isang  tula   mula   sa  Uganda Salin   sa  Ingles  ni  Jack H.  Driberg Salin  ...