Friday, January 11, 2019

AWIT NG INA SA KANYANG PANGANAY






AWIT NG INA SA KANYANG 
PANGANAY
Isang tula mula sa Uganda
Salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Salin sa Filipino ni Marina Gonzaga-Merida




MAY-AKDA





         Si Jack Herbert Driberg ay ipinanganak noong Abril 1888 namatay noong Pebrero 5, 1946. Siya ay nagtatrabaho sa Uganda protectore noong 1912 at lumipat sa Anglo Egyptian Sudan. Bago siya umalis ay nagsulat muna siya ng libro ng Lango.





URI NG PANITKAN



           Ang uri ng panitikan ay ang “tulang pasalaysay” ay uri ng tula na nagsasaad ng kwento. Itoy kadalasang ginagamitan ng boses ng tagapagsalaysay at ng mga tauhan. Ang ganitong uri ng tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang istoryang kinukwento nito ay maaring komplikado. Ito ay karaniwang dramatiko, may layunin, ibat ibang tauhan.

LAYUNIN NG MAY AKDA
           
             Ang layunin ng nasabing tula ay magbigay ng kaisipan patungkol sa pagpapangalan sa panganay na anak. Ipinakita rito na maaring maging repleksyon ng isang sanggol ang kanyang pangalan pagdating ng panahon, kung kayat ito at dapat pinagiisipang Mabuti.
TEORYA 
Maisasalin sa tulang pasalaysay ang teoryang Romantisismo dahil sa mga sumusunod na pangyayari mula rito:
-      Nang sinabe ng ina na hindi maaring ang pangalan ng kanyang sanggol ay ikahihiya. Marahil ang isang ina ay hindi kalianman ikahihiya ang kaniyang anak.
-      Paulit ulit na nabanggit ang mga katagang “O aking anak” na nag papakita kung gaano niya niyayakap na ito ay kanyang sanggol.
-      Sa parte na “Anak anak ko, ikaw ay tinatanggap na pag-ibig mula sa aking asawa,” masasabing sumisimbolo ang sanggol bilang bunga ng pagmamahalan ng dalawang tao.

TEMA
Ang tema ng awit ng ina sa kaniyang panganay ay may dalang mensahe tungkol sa kanyang anak, pangarap niya para sa kanyang anak at ang pag mamahal ng isang ina


TAUHAN
Ang tauhan sa akdang awit ng ina sa kanyang panganay ay ang ina at sa kanyang panganay na anak. Umiikot ito sa kaligayahan ng ina sa kanyang panganay na anak at kung paano ito lumaki o ano ang magiging buhay nito

TAGPUAN
          Walang naging tagpuan sa tulang pasalaysay marahil ang tagapagsalaysay ay hindi naalis sa kanyang kinatatayuan at dahil wala rin namang nakasaad sa tulang pasalaysay na kung nasaan ang tagapag salaysay at ang kanyang panganay na anak.

NILALAMAN
              Noong binasa ko ang tulang pasalysay na “Awit ng Ina sa Kanyang Panganay”, sa simula pa lang ay bago na sa aking pandinig. Dahil sa ngayon pa lang ako nakakita ng tulang pasalaysay na pinoproblema ang may akda sa pagbibigay ng pangalan sa kanyang panganay na anak. Pero ang pananaw naman ng tagapagsalaysay o ng ina ay matagal na o luma na ang kaugalian subalit ibang anggulo ito sa mga tipical na mga tula. Kakaiba ang atake na ginawa ng author ng tula simula umpisa hangang sa huli ay napaka ayos nang pagkakalapat ng mga salita at may kaisahan ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa tulang pasalaysay at mayroon akong isang natutunan na ang mga magulang lalo na ang mga ilaw ng tahanan ay handang ibigay ang "the best" para sa kanilang anak. Kaya tayong mga anak dapat natin silang pasalamatan dahil kaya nilang ibigay ang lahat ng pupwede nilang ibigay pero bakit tayo hindi natin ito magawa?

KAISIPAN

Maraming mahihinuhang kaisipan sa nabasang teksto, narito ang iilan:
- Nararapat lang na pagisipang mabuti kung ano ang ipapangalan sa mga anak dahil maaari itong magpakita ng kung sino sila
- Hindi maiikukumpara ang pagmamahal ng magulang sa kanyang mga anak
- Mahalaga ang mga kabataan dahil sila ang tatanggap ng tungkulin ng kanilang mga magulang o nakatatanda sa kinabukasan


ESTILO

Ang akdang nabasa ay nakasaad sa estilong pasalaysay at sa paraang patula. Masasabi na ito ay tulang liriko na oda dahil ang tulang ito ay dedikado sa iisang tao, ang kanyang anak. Ginamitan din nang malayang taludturan ang nasabing tula. Naging masining ang may akda sa kanyang tula at maayos rin ang paggamit ng mga salita sa teksto dahil madali itong basahin at unawain. Ang paggamit ng mga masisining ngunit madaling intindihin na mga salita ay nakatulong kumuha ng atensyon ng mga mambabasa

BUOD


Ang akdang "Hele ng Ina sa kanyang Panganay" ay isang tula patungkol sa pangarap ng isang ina sa kanyang panganay na anak. Dito inilarawan ng kanyang ina ang sanggol, mula sa kanyang paghawak at pagkapit inang mabuti. Nangarap ang ina na siya'y magiging isang magiting na mandirigma na mamumuno sa kalalakihan. Nagsimula rin ang pagiisip nito ng ipapangalan sa sanggol na kanyang nasa bisig. Inisip niya ang mga hindi kanais nais na kalalabasan, dahil ito ang sumasalamin sa kung anong ugali at klase ng tao ang nasabing sanggol. Kung kaya't masinsinan niyang inisip ang itatawag sa anak. Dito ay pumasok na sa isipan ng ina ang mga gugustuhin niyang kalabasan ng kanyang anak pagka ito'y nagkaroon na ng sariling isipan. Nais nito na maging magiting at malakas ang kanyang panganay, na haharap sa kahit na anong pagsubok sa buhay, at maging huwarang indibidwal na hawak ang pag-asa ng kinabukasan.









Monday, December 24, 2018

EL FILIBUSTERISMO

 El Filibusterismo

 ni Jose Rizal






                                               Pagpapakilala sa may Akda

Jose Rizal

José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna at siya ay namatay noong Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan, Manila. Isa siyang kilalang patriyotiko, manggagamot, at manunulat na naging inspirasyon sa kilusang nasyonalista ng Pilipinas.

Sa lalong madaling panahon siya ay nakatuon ang kanyang sarili sa reporma ng Espanyol panuntunan sa kanyang sariling bansa, kahit na siya ay hindi kailanman advocated kalayaan ng Pilipinas. 

Karamihan sa kanyang pagsusulat ay ginawa sa Europa, kung saan siya naninirahan sa pagitan ng 1882 at 1892.

Noong 1887 inilathala ni Rizal ang kanyang unang nobela, Noli Me Tangere, isang madamdamin na pagkakalantad ng mga kasamaan ng panuntunan ng Espanya sa Pilipinas. Ang isang sumunod na pangyayari, El Filibusterismo (1891), ay itinatag ang kanyang reputasyon bilang nangungunang tagapagsalita ng kilusan ng reporma sa Pilipinas.

Siya ang naging pinuno ng Movement ng Propaganda, na nag-aambag ng maraming artikulo sa kanyang pahayagan, La Solidaridad, na inilathala sa Barcelona. Ang pampulitikang programa ni Rizal ay isinama ang pagsasama ng Pilipinas bilang lalawigan ng Espanya, representasyon sa Cortes (ang Espanyol parliyamento), ang pagpapalit ng mga Kastila ng mga Kastila ng mga Pilipinong pari, kalayaan sa pagpupulong at pagpapahayag, at pagkakapantay-pantay ng mga Pilipino at mga Espanyol bago ang batas.
Inabot si Rizal ng tatlong taon upang matapos ang libro. Nagsimula si Rizal sa El Filibusterismo noong Oktubre 1887 habang nasa Calamba, Laguna siya. Sa London, England (1888), binago niya ang balangkas at ilang mga kabanata. Nagpatuloy si Rizal sa kanyang manuskrito sa Paris, France. Di nagtagal ay lumipat siya sa Brussels, Belgium kung saan ang gastos ng pamumuhay ay mas mura at para hindi siya maabala ng mga sosyal na pangyayari para magbigay pansin lamang siya sa aklat. Natapos niya ang aklat noong Marso 29, 1891 sa Biarritz, France.

Siya’y may malawak na intelektwal na interes. Siya ay isang antropologo, ethnologist, ophthalmologist, nobelista, sociologist, guro, ekonomista, arkitekto, engineer, iskultor, pintor, manunulat ng mga dula, mananalaysay, mamamahayag, magsasaka, dramatista, martial artist, at isang kartographer, bukod sa iba pang mga bagay.

_______________________________________________________________

Uri ng Panitikan


>Nobela


                                            Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.


_________________________________________________________________________________

                                 Layunin ng may Akda



Upang imulat ang mga saradong mata ng mamayang pilipino mula sa kaharasan ng mga kastila.






_________________________________________________________________________________


                      Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan


  • Realismo - Ang mga naranasan ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya ay maaaring makita pa rin sa totoong buhay, tulad ng diskriminasyon at pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipinas

  • Humaniso - Ang teoryang ito ay naka sentro sa mga tao at sa istorya, makikita na ang nobela ay nagbibigay bg malaking pansin para sa mga Pilipino, para sa kanilang mga nararanasan at ginagawa, kasabay naman ang pagbibigay pansin sa mga Espanyol at sa kanilang mga ginagawa
  • Historikal - Ito'y matuturing Historikal dahil ang mga pangyayaring nangyari sa nobela ay maaaring makumpara sa mga pangyayari ng Pilipinas noong unang panahon, tulad ng pagiging marahas ng mga Espanyol sa Pilipino, and isa pang halimbawa ang rebolusyon na sinubugang gawin ni Simoun



___________________________________________________________

Tema o Paksa ng may Akda


Sinasalamin nito o ipinapakita ang kaharasan na tinatamasa ng mamayang pilipino sa kamay ng mga kastila





___________________________________________________________

Mga Tauhan/ Karakter sa Akda


Simoun




Siya ay si Juan Crisostomo Ibarra sa nobelang Nolie Me Tangere. Nagpanggap siya bilang isang mag-aalahas upang hindi siya makilala sapagkat siya ay may planong maghiganti sa mga pamahalaan.






Basilio

___________________________________________________________


Siya ay mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli. Kinumbinsi siya ni Simoun na maki-isa na maghiganti sa pamahalaang kastila














                                                    _______________________________________________________

Isagani








Malapit na kaibigan ni Basilio. Siya rin ay dating kasintahan ni Paulita. Tinapon niya ang dinamita sa ilog na dapat ay papasabugin sa kasal ni Paulita at Juanito








_____________________________________________________

Paulita Gomez







 Siya ang dating kasintahan ni Isagani ngunit kay Juanito siya nagpakasal









_________________________________________________________

Juli







Siya ang kasintahan ni Basilio na hinalay ng isang pari






                                        _____________________________________________________________

Don Timoteo Pelaez




Nakipagsanib sa kaniya sa negosyo si Simoun upang maisakatuparan ang plano nito. Siya rin ang nagkasundo ng kasal ni Juanito at Paulita.





               

    _______________________________________________________

Juanito Palaez





Anak ni Don Timeo at napangasawa ni Paulita. Siya ay kinagigiliwan ng kaniyang mga propesor at kilala bilang kabilang sa mga angkang may lahing kastila





_____________________________________________________

Padre Camorra






Siya ang nanghalay kay Juli









                                                        _____________________________________________________

Padre Florentino






Sa kaniya nagtapat si Simoun ng kaniyang tunay na katauhan bago siya magpakamatay








_________________________________________________________________________________

Tagpuan/Panahon




- Maynila at Laguna 

kung saan naglalakbay si Bapor Tabo


- San Diego 
 
dinalaw ni Basilio ang puntod ng kanyang ina sa libingan ng mga Ibarra

- Los Baños


- Kumbento ng Sta. Clara 

- Panciteria Macanista de Buen Gusto 

isang salu-salo para sa mga mag-aaral, dahil nabigo silang maipatayo ang Akademya ng Wikang Kastila

- Kulungan 

nakulong si Basilio

- Ang bahay na pinagdarausan ng piging o kasal nila Juanito 

at Paulita

- Asotea 

dito inihagis ni Isagani ang lampara sa ilog
- Bahay ni Padre Florentino 


nagtungo si Simoun dito upang makatakas sa piging
- Dagat




dito itinapon ang mga naiwang alahas ni Simoun noong namatay siya

_________________________________________________________________________________

Nilalaman o Balangkas ng Pangyayari


Ito ay makabuluhan at nakakaenganyong basahin dahil isinasalaysay nito ang hindi makataong gawa ng mga kastila at naglalaman din ito ng historya ng pilipinas noong panahon ng kastila.





_________________________________________________________________________________

Mga Kaisipan o Ideyang Taglay ng may Akda

Ang ideyang taglay ng akda ay ipakita ang di pagsang-ayon ng may akda sa pamumuno ng simbahan at pamahalaan noong panahon ng kastila, ipinapakita rin dito ang pangaabuso ng pamahalaan at simbahan sa kapangyarihang natatamasa nila.


_________________________________________________________________________________

Estilo ng Pagkakasulat ng Akda




Ang mga salita sa nobela ay mga malalalim na salita sapagkat ang nobelang ito ay isinulat noong panahon ng mga kastila.



_________________________________________________________________________________

Buod

Ang aklat ay nagsasalaysay ng pagbabalik ng kalaban ng Noli Me Tangere, Crisostomo Ibarra, sa ilalim ng pagtakpan ng isang mayaman na mag-aalahas na nagngangalang Simoun. Dahil sa mga pang-aabuso ng Espanyol, si Ibarra ay iniwan ang kanyang mga paniniwala sa pasipista upang makabalik sa Pilipinas at magsimulang marahas na rebolusyon .

Si Basilio ng Noli Me Tangere, na ngayon ay isang kabataang lalaki at isang dalubhasang medikal na estudyante, ay hinikayat ni Ibarra upang tulungan siya sa pagbubuga ng isang bomba sa isang pagtitipon sa lipunan, na nagpapahiwatig ng simula ng rebolusyon.

Gayunpaman, binabalaan ni Basilio ang kanyang kaibigan na si Isagani. Napagtatanto na ang babae na kanyang minamahal ay nasa gusali, kaya ibinabagsak ni Isagani ang bomba sa ilog, na pinigilan ang pagsabog at ang rebolusyon. Dahil sa mga bagay na ito, si Simoun ay pinagisipang magpapakamatay sa pamamagitan ng pagkuha ng lason at nakahanap ng lugar kung saan siya’y magpapatiwakal sa bahay ng isang pari, si Father Florentino, na nakakarinig ng kanyang huling pagpapahayag at tinitiyak sa kanya na hindi lahat ng pag-asa ay nawala.

Sa kamatayan ni Simoun, si Father Florentino ay pinuri ang mga hiyas sa dagat, at nagsasabi na ang mga hiyas na dating ginagamit sa suhol at korap na mga tao, ay inaasahan na isang araw na magamit ang mga ito para sa isang makabuluhang layunin.





Wednesday, December 19, 2018

Ang Munting Prinsipe

ANG MUNTING PRINSIPE
Antoine de Saint-Exupery
(Nobela mula sa Pransiya)
Si Antoine de Saint-Exupery ay ipinanganak sa Lyon, France noong ika-29 ng Hunyo, 1900. Hinirang siya bilang isang pambansang bayani ng Pransiya. Naging isa siyang piloto at kasabay nito ang pagkahilig niya sa pagsusulat. Ang pinakatanyag na isinulat ni Antoine de Saint-Exupery na mayroong isang milyong kopya bawat taon sa mundo. Ang mga isinulat niya ay nagtataglay ng pilosopikal na aspekto at ng kritisismo sa lipunan. Madalas gamiting libro ng mga nagsisimulang mag-aral ng Pranses Impormasyon sa Awtor Antoine de Saint-Exupery Impormasyon sa Akda. 


URI NG PANITIKAN

Nobela- akdang buhay o kathambuhay. Ay isang mahabang kuwentong pikisyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.


LAYUNIN

Layunin ng may akda na ipaalam sa mga mambabasa lalo na sa matatanda na ang mga mahahalagang bagay sa buhay ay hindi natin nakikita o nahahawakan kundi nararamdaman ng puso.


TEORYA

Humanismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; binibigyang tuon nito ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento, atbp.


TEMA

Ang pangunahing tema ng Ang Munting Prinsipe ay ang kahalagahan ng pagtingin sa buong katauhan upang mahanap ang tunay na katotohanan at kahulugan ng isang bagay. Ito ay ang alamid na nagtuturo sa Prinsipe upang makita ang puso ng isang tao sa halip na sa mga mata lamang.




TAUHAN
Ang mga tauhan ay ang:

Munting Prinsipe - ang bida sa kwento na nagmula sa ibang planeta.
Alamid - ang nagturo sa prinsipe ng napakamahalagang bagay.
Rosas - ang mahal at pinaka mahalaga sa Munting Prinsipe.


TAGPUAN

Bundok - dito niya nakita ang iba't ibang planeta.
Planeta - dito siya naglakbay at nakakilala ng iba't ibang bagay.

NILALAMAN

Ang kwento ng munting prinsipe ay di pangkaraniwan sa mga nababasa natin,  dahil ang Munting Prinsipe ay nakabase sa totoong buhay. Ito ay may koneksyon sa totoong buhay ng awtor. Ginamitan ito ni Antoine de Saint-Exupery ng mga simbolismo tulad na lamang ng rosas na sinisimbolo ang kanyang asawa.

KAISIPAN

Ang kaisipan ng kwento ay ang mga mahahalagang bagay sa buhay ay hindi mo makikita sa iyong mga mata, tanging ang iyong puso lamang ang makakadama.


ESTILO


Isinulat ito ng awtor base sa totoong pangyayari sa buhay niya na ginamitan niya lamang ng pagkakaiba tulad ng pagbibigay simbolo sa mga tauhan. Gaya na lamang ng rosas, sinsimbolo nito ang asawa ng may-akda na si Consuelo de Saint-Exupery at ang alamid naman ay pinaniniwalaan na sinisimbolo ang kapatid ng awtor na si Francois.


BUOD


Ang Munting Prinsipe ay natutunan ang kahalagahan ng relasyon simula ng dumating sa kanya ang alamid, na nagpaliwanag sa kanya ng kahalagahan ng pag papaamo. Dito lamang nakita ng alamid ang Munting Prinsipe bilang higit pa sa isang ordinaryong maliit na batang lalaki. Tulad ng nakita ng Prinsipe na bagaman ang kanyang rosas ay hindi lamang basta rosas, wala ng mas espesyal pa sa kanya dahil sa pagsasama na nilikha sa pagitan nila, at ang pananagutan na nararamdaman niya.

AWIT NG INA SA KANYANG PANGANAY

AWIT  NG  INA   SA   KANYANG   PANGANAY Isang  tula   mula   sa  Uganda Salin   sa  Ingles  ni  Jack H.  Driberg Salin  ...