Wednesday, December 19, 2018

Ang Munting Prinsipe

ANG MUNTING PRINSIPE
Antoine de Saint-Exupery
(Nobela mula sa Pransiya)
Si Antoine de Saint-Exupery ay ipinanganak sa Lyon, France noong ika-29 ng Hunyo, 1900. Hinirang siya bilang isang pambansang bayani ng Pransiya. Naging isa siyang piloto at kasabay nito ang pagkahilig niya sa pagsusulat. Ang pinakatanyag na isinulat ni Antoine de Saint-Exupery na mayroong isang milyong kopya bawat taon sa mundo. Ang mga isinulat niya ay nagtataglay ng pilosopikal na aspekto at ng kritisismo sa lipunan. Madalas gamiting libro ng mga nagsisimulang mag-aral ng Pranses Impormasyon sa Awtor Antoine de Saint-Exupery Impormasyon sa Akda. 


URI NG PANITIKAN

Nobela- akdang buhay o kathambuhay. Ay isang mahabang kuwentong pikisyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.


LAYUNIN

Layunin ng may akda na ipaalam sa mga mambabasa lalo na sa matatanda na ang mga mahahalagang bagay sa buhay ay hindi natin nakikita o nahahawakan kundi nararamdaman ng puso.


TEORYA

Humanismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; binibigyang tuon nito ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento, atbp.


TEMA

Ang pangunahing tema ng Ang Munting Prinsipe ay ang kahalagahan ng pagtingin sa buong katauhan upang mahanap ang tunay na katotohanan at kahulugan ng isang bagay. Ito ay ang alamid na nagtuturo sa Prinsipe upang makita ang puso ng isang tao sa halip na sa mga mata lamang.




TAUHAN
Ang mga tauhan ay ang:

Munting Prinsipe - ang bida sa kwento na nagmula sa ibang planeta.
Alamid - ang nagturo sa prinsipe ng napakamahalagang bagay.
Rosas - ang mahal at pinaka mahalaga sa Munting Prinsipe.


TAGPUAN

Bundok - dito niya nakita ang iba't ibang planeta.
Planeta - dito siya naglakbay at nakakilala ng iba't ibang bagay.

NILALAMAN

Ang kwento ng munting prinsipe ay di pangkaraniwan sa mga nababasa natin,  dahil ang Munting Prinsipe ay nakabase sa totoong buhay. Ito ay may koneksyon sa totoong buhay ng awtor. Ginamitan ito ni Antoine de Saint-Exupery ng mga simbolismo tulad na lamang ng rosas na sinisimbolo ang kanyang asawa.

KAISIPAN

Ang kaisipan ng kwento ay ang mga mahahalagang bagay sa buhay ay hindi mo makikita sa iyong mga mata, tanging ang iyong puso lamang ang makakadama.


ESTILO


Isinulat ito ng awtor base sa totoong pangyayari sa buhay niya na ginamitan niya lamang ng pagkakaiba tulad ng pagbibigay simbolo sa mga tauhan. Gaya na lamang ng rosas, sinsimbolo nito ang asawa ng may-akda na si Consuelo de Saint-Exupery at ang alamid naman ay pinaniniwalaan na sinisimbolo ang kapatid ng awtor na si Francois.


BUOD


Ang Munting Prinsipe ay natutunan ang kahalagahan ng relasyon simula ng dumating sa kanya ang alamid, na nagpaliwanag sa kanya ng kahalagahan ng pag papaamo. Dito lamang nakita ng alamid ang Munting Prinsipe bilang higit pa sa isang ordinaryong maliit na batang lalaki. Tulad ng nakita ng Prinsipe na bagaman ang kanyang rosas ay hindi lamang basta rosas, wala ng mas espesyal pa sa kanya dahil sa pagsasama na nilikha sa pagitan nila, at ang pananagutan na nararamdaman niya.

4 comments:

AWIT NG INA SA KANYANG PANGANAY

AWIT  NG  INA   SA   KANYANG   PANGANAY Isang  tula   mula   sa  Uganda Salin   sa  Ingles  ni  Jack H.  Driberg Salin  ...