Tuesday, November 27, 2018

Sintahang Romeo at Juliet


Sintahang Romeo at Juliet
(William Shakespeare)

1.     PAGKILALA SA MAY-AKDA
Ø Ang pangunahing pinagkunan ni William Shakespeare para kay Romeo at Juliet ay isang tula ni Arthur Brooke na tinatawag “The Tragical History of Romeus and Juliet” noong 1562. At muling isinalaysay na nasa anyong tuluyan o prosa sa Palace of Pleasure (Palasyo ng Kaluguran) ni William Painter noong 1567.
2.     URI NG PANITIKAN
Ø Dula- Ang dula ay pumapaksa sa matinding pag-iibigan nina Romeo na isang Montague at Julieta na isang Capulet. Nakadama sila ng matindi at walang kapantay na pag-ibig sa isa’t isa sa kabila ng katotohanang ang mga pamilyang kanilang kinabibilangan ay may malalim na hidwaan o alitan.
3.     LAYUNIN NG AKDA
Ø Ang layunin ng akda ay ipakita ang kadalisayan ng tunay at wagas nap pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan. Ipinakita din sa akdang ito ang magiging bunga na maaaring mangyari kung ang isang tao o mga tao ay walang ganap na pag-intindi sa mga bagay-bagay.
PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN
Ø ROMANTISISMO- Dahil sa likod ng kaguluhan o alitan ng kanilang pamilya ay mas nangibabaw ang pagmamahalan nina Romeo at Juliet. Kaya naman ay maraming napukaw dito.
BAHAGI SA TEKSTO NA MAGPAPATUNAY SA SINABING TEORYA
Ø ROMEO: Tawagin mo akong mahal at pamuli kong bibinyagan;
Buhat ngayon hindi na ako magiging Romeo.

Ø JULIET: Hahagkan ko iyong labi baka sakaling may lason pang natira kahit kaunti
Upang ang gamot na halik ay lumagot sa buhay kong sawi.
Ang puso ko ang bayaan mo; tumimo ka riya’t bayaang ako’y mamatay.
4.     TEMA O PAKSA NG AKDA
Ø Ang tema ng “Sintahang Romeo at Juliet” ay ang pagkakaroon ng wagas na pag-ibig hanggang kamatayan. Maraming mga balakid sa pagmamahalan nina Romeo at Juliet. Sinubukan nilang lumaban subalit sunod-sunod ang mga pagsubok na humamon sa katatagan ng kanilang pag-ibig sa isa't isa.
5.     MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
Ø Ang pamilyang Montague at Capulet ay ang dalawang pamilyang may alitan. Si Romeo na isang Montague at isang mapagmahal na binata. Si Juliet naman na isang Capulet na isa ding mapaagmahal na dalaga. Ang dalawang ito ay handang ibigay ang sariling buhay para sa pagiibigan nila at paniniwalang magkikita rin sila sa kabilang buhay.
6.     TAGPUAN/PANAHON
Ø Ang pangunahing tagpuan sa Sintahang Romeo at Juliet ay sa Verona, Italy. Ngunit sa kabuuan ng istorya, 3 tagpuan ang namamayagpag. (1) sa mga eksena ni Romeo, ang pangunahing tagpuan ay sa labas o kalsada kasama ang kaniyang mga kaibigan. (2) sa mga eksena ni Juliet kung saan nakakasama niya si Romeo ay sa balkonahe ng kaniyang bahay. (3) sa mga eksena ni Romeo at Juliet kung saan malayang nakapagpapahayag ng kanilang damdamin sa isa't isa ay sa simbahan.
7.     NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Ø Ang kwento ay pumapaksa sa matinding pagiibigan nina Romeo at Juliet. Nakadama sila ng matinding pag-ibig sa isa't isa sa kabila ng pamilya nilang may alitan at ipinaglaban nila ang kanilang pagiibigan hanggang sa kamatayan.
8.     MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
Ø Ang pagiibigang Romeo at Juliet ay isang patunay na hindi lahat ng kwento ay nagtatapos sa "and they lived happily ever after." Dahil sa akdang ito matututunan na hindi lahat ng pag-ibig ay iisa ang pananaw. Ang wagas na pagmamahalang Romeo at Juliet ay handang hamakin ang lahat kahit ang kamatayan dahil sa pananaw na magkikita silang muli sa kabilang buhay.
9.     ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
Ø Ang estilo ng pagkakasulat ng akda ay nagbibigay ideya patungkol sa trahedya ng pag-ibig. Ang pagkakagamit din ng mga salita ay angkop para sa isang dula na patungkol sa pagiibignag Romeo at Juliet. Marami din ang may interes sa dulang ito dahil nga sa ito'y kakaiba sa lahat ng kwento.
10. BUOD
Ø Ang kwento ay umiikot sa pagiibigan nina Romeo at Juliet. Nang ang dalawa ay nagkita sa isang handaan, sila ay agad na nagkagustuhan at hindi nagtaon ay lihim na nagpakasal.
Ø Si Juliet ay nakatakda ng ipaksal kay Conde de Paris. Naiwasan ito ni Juliet sa pamamagitan ng pag-inom ng pampatulog na gamot na ibinigay ni Padre Lorenzo. Hindi nakarating kay Romeo ang sulat patungkol sa planong ito; sa halip, natanggap niya ang balita ng pagkamatay ng kanyang kasintahan.
Ø Sa pighati, pumunta si Romeo sa puntod ni Juliet at saka uminom ng lason. Nagising naman si Juliet ilang sandali bago mamatay si Romeo kaya ang magkasintahan ay masuyong nakapagpaalam sa isa't isa. Pagkatapos, sinaksak ni Juliet ang sarili ng punyal.
Ø Ang pari, prinsipe, magulang ng magkasintahan at ang buong bayan ay dumating. Ipinaliwanag ng pari ang lahat. Ang mga magulang ay nagsisi at nagkabati, at ang magkasintahan ay inilibing sa iisang puntod.


No comments:

Post a Comment

AWIT NG INA SA KANYANG PANGANAY

AWIT  NG  INA   SA   KANYANG   PANGANAY Isang  tula   mula   sa  Uganda Salin   sa  Ingles  ni  Jack H.  Driberg Salin  ...