Thursday, November 29, 2018

Talumpati sa Pagtanggap ng Nobel Prize para sa Literatura 2002

TALUMPATI SA PAGTANGGAP NG NOBEL PRIZE
PARA SA LITERATURA 2002

MULA SA HUNGARY
Image result for talumpati sa pagtanggap ng nobel prize para sa literatura 2002


1. PAGKILALA SA MAY AKDA
Image result for imre kertesz
Imre Kertész ipinanganaknoong Nobyembre 9, 1929 ay isang awtor na Hungarian at tumatanggap ng 2002 Nobel Prize in Literature. Siya ang unang Hungarian na nanalo sa Nobel sa Literatura. Ang kanyang mga gawa ay pakikitungo sa mga tema ng Nazi Holocaust, diktadura at personal na kalayaan. Namatay siya noong Marso 31, 2016, na may edad na 86, sa kanyang tahanan sa Budapest matapos ang sakit na Parkinson ng ilang taon



Nilikha/sinulat niya ang akdang ito upang imulat ang mga tao sa mga masasamang pangyayari noong panahon ng Holocaust.







           IMRE KERTESZ


2. URI NG PANITIKAN
               Ang uri ng panitikan na ginamit sa talumpating ito ay tuluyan.

3. LAYUNIN NG AKDA
                        Ang layunin ni Imre Kertesz ay ang alamin ang posibilidad ng patuloy na mabuhay at bilang isang indibidwal sa isang panahon kung saan ang pagpapasakop ng mga tao sa mga pwersang panlipunan mas maging kumpleto.


PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN
Una ay ang Realismo, dahil siya sumluat, nakaranas, nakasaksi ng mga pangyayari na naganap sa kaniyang talumpati. Sumunod naman ay ang Sosyolohikal, dahil pinapalabas niya sa kaniyang talumpati na masama ang gobyerno. At panghuli ay Historikal, dahil naging parte ito ng kasaysayan ng mundo.Realismo – Nakita ko ang tunay na larawang na kapangingilabot sa siglong ito.

  • Realismo – Nakita ko ang tunay na larawang na kapangingilabot sa siglong ito.
  • SosyolohikalNapatitig ako sa mata ng Gorgon at nanatili ako ng buhay.
  • Historikal – Sa nakalipas na dekada, isa-isa kong itinatawa ang panlilinlang ng kalayaan tulad ng “hindi maipapaliwanag na kamalian ng kasaysayan”. “hindi mapangatwiran” at iba pang paulit-ulit na ideya na hindi kailangan


4. TEMA O PAKSA NG AKDA
                Ang tema o paksa ng akda ay patungkol sa mga taong nakaranas o patuloy na nakararanas ng kalupitan. Ito ay napapanahon dahil marami sa atin ang nakakaranas ng kalupitan sa kamay ng pamahalaan na nagdudulot sa atin ng kahirapan.





5. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
              Ang mga karakter sa akda ay mga taong nasa Auschwitz na nakaranas ng pagdurusa.






6. TAGPUAN/PANAHON               
                  Ang tagpuan ng akda ay nasa Auschwitz na kung saan nasaksihan ng may-akda ang pagdurusa at pagmamalupuit sa lugar at sa panahong iyon.


7NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
               Isang gasgas o karaniwang pangyayari ang mga sinabi sa akda. Maraming kakaiba sa nilalamang akda. Para sa amin, ito’y luma na dahil ito’y nasaksihan  ni Imre Kertesz at ito’y kanyang itinalumpati noon pang 2002. may kaisahan ang mga itinalumpati sa mga pangyayari sa simula hanggang sa ito’y magwakas. May matututunan din tayo sa talumpating ito na huwag sumuko o magpatalo sa mga pagsubok o sa mga hamon sa ating buhay.

8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
               Mga kaisipan o ideyang taglay ng akda ay huwag sumuko sa mga panahong may pagdurusa, kalupitan at kahirapan. Para maharap ang mga pangyayaring ito kailangang magkaroon ng tapang sa iyong puso. At ang pangunahing kaisipan ay nasa pinakahuling pangungusap ng akda, ang pagpapatuloy na sa buhay ni Imre Kertesz nang dahil sa pag-ibig.


9ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
               Ang estilo ng pagkakasulat ng akda ay epektibo at naangkop ang antas na pag-unawa ng mga mambabasa dahil hindi gumagamit ang may-akda ng mga balbal na salita sa pagbuo ng akda. May bias ang nilalaman ng may akda dahil may kaugnayan ito sa agham panlipunan at malaman at ito’y walang kinikilingan. Ito’y tutugon sa panlasa ng mambabasa dahil sila’y may layuning makapagpaliwanag ng kabalintunaan sa Holocaust.


10. BUOD
              Ang buod ng talumpati ni Imre Kertesz ay ang mga taong nakaranas o patuloy na nakakaranas ng kahirapan at kalupitan.

No comments:

Post a Comment

AWIT NG INA SA KANYANG PANGANAY

AWIT  NG  INA   SA   KANYANG   PANGANAY Isang  tula   mula   sa  Uganda Salin   sa  Ingles  ni  Jack H.  Driberg Salin  ...