Wednesday, November 28, 2018

HARING MIDAS

HARING MIDAS
Ni Edith Hamilton 



         PAGKILALA SA MAY AKDA 

           Kilala bilang isang tanyag na manunulat ng Latin at Griyego, si Edith Hamilton ay isa sa mga makabuluhang manunulat noong kanyang kapanahunan. Marami siyang nailimbag na tula na nanggagaling din sa mga kuwento noong unang panahon ng mga Griyego. Isa sa kanyang nailimbag ay ang storyang “Haring Midas” na sumasalamin sa mga tao noong kapanahunan ng Greeks at ang kanilang mga karanasan. Maaaring nag-udyok sa kanya upang maisulat ang nasabing kuwento ay ang kanyang pag-aaral ng Latin at Griyego noong siya’y nagsisimula pa lamang, ito ang naging daan upang mas makilala niya ang mga kultura at doon bumase sa kanyang mga akda. Ninais niyang ipakita ang mga aral na kanyang natutunan sa pag-aaral ng mga ito, at buksan ang mga mata ng mga mambabasa tungkol sa buhay sa pagbabasa ng kanyang mga akda.

                                 
 URI NG PANITIKAN SA KUWENTO
             Ang masasabing salaysay ay isang maikling kuwento. Ang kuwento ay hingil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan lamang ng iisang mahalagang tauhan sa kuwento na matatapos sa iisang upuan lamang. Iisa lang din ang kakintalan ng nasabing kuwento na ginawa ng may akda upang ilarawan at ipakita ang mga negatibong epekto at dulot ng mga maling gawi, tulad ng labis na paghahangad at hindi pagkinig at pagpili ng maayos, na sumasalamin sa mga kagawian ng tao sa kasalukuyan.

  LAYUNIN NG MAY AKDA

Nag lalayon ang kuwento na magbigay aral sa lahat ng mambabasa, ito rin ay nakapagbibigay aliw.
Mga Teorya
      Maisasalin sa kwento ang teoryang Sikolohikal, dahil makikita sa iba’t ibang pangyayari ng kuwento na makikita ang paguugali ni Haring Midas sa kanyang mga kilos o gawi.
      Mainit na pagtanggap sa lasing
      Pagpili ng gantimpala na maging ginto lahat ng hawakan
      Pagpili kay Pan
      Maaari rin na maisalin ang teoryang Moralistiko sa nasabing akda


TEMA O PAKSA NG AKDA

                Ang tema ng kuwento ay ang marami, gaya ng mga sumusunod: Kasamaan ng labis na paghahangad sa isang bagay,  huwag masilaw sa ginto, pagpili at paggawa ng tamang desisyon at pagkatuto sa mga nakaraang pagkakamali. Ang mga nasabing tema ay maaaring sumalamin sa mga gawi ng tao mula noon hanggang sa kasalukuyan.

    MGA TAUHAN O KARAKTER SA AKDA

                Dahil ang kuwento ay hango sa mitolohiya, ang mga tauhan sa storya ay may taglay na kapangyarihan na hindi kailanman makikita sa totoong buhay. Ang pangunahing tauhan na si Haring Midas ay ang nagiisang tauhan na maaaring maging repleksyon ng mga tao, ginamit siya ng may akda upang ipakita ang mga maling gawi at kaakibat na problemang maaaring mangyari. 

      TAGPUAN O PANAHON

                Nasabi sa kwento ang Ilog Pactolus at Phrygia, na totoong mga lugar o naging mga lugar, maaaring ginamit ito ng may akda dahil may simbolismo o kaugnayan ang lugar sa mga pangyayari, tulad na lamang ng Ilog Pactolus na sinasabing sikat na minahan ng ginto.
                Ang panahon ng pagkakalimbag ay di konektado sa panahon sa loob ng kwento. Sa kadahilanang hindi maaaring mangyari ang mga ito sa totoong buhay, kaya’t walang tuwirang panahon ang akda.

     NILALAMAN O BALANGKAS  NG PANGYAYARI

                 Ang nilahad sa akda ay hindi pa gasgas at iba din ang ginawang atake ng author dahil kailangan mo pa itong suriin nang mabuti upang maintindihan ng lubos ang storya ni Haring Midas at ang akdang ito kahit muka nang dati o luma na ay maayos at maganda parin ang at may pag kakaisa parin ang pagkakalapat ng mga pangyayari mula sa simula hanggang sa huli, at ang natutunan ko sa akdang Haring Midas ay, huwag kang magpapadalos dalos sa iyong pag papasya sa buhay dapat iniintindi o iniisip mo muna ang maaring mangyari kung gagawin mo ang isang bagay o aksyon na iyong pinagpapasyahan dahil maaring masama o hindi maganda ang maging bunga nang iyong gagawin kung padalos dalos tayo mag-isip o mag pasya sa ating buhay.

         MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Maraming ideyang taglay ang kwento ng Haring Midas, ito ay ang mga sumusunod:
      Huwag maghangad ng sobra
      Matuto sa unang pagkakamali
      Makinig ng Mabuti

   ESTILO NG AKDA

                     Gumamit ng estilong pasalaysay ang may akda at paraang pakwento. Ang pagkamasining at malikhain ng may akda sa kwento ay naging epektibo sa pagsusulat sapagkat nakapukaw ito ng damdamin ng mga mambabasa at nakuha ang atensyon nila.

             BUOD 

                    Sa lugar ng Phrygia. Naligaw na isang lasing na matanda na nagngangalang Silenus. Tinulungan at kinupkop siya ng mga tagapaglungkod ni Haring Midas, ang hari ng Phyrgia, tinulungan ni Midas si Silenus ng 10 araw at pagkatapos ay ihinatid kay panginoong Dionysus, diyos ng mga alak. Bilang pasasalamat binigyang gantimpala ni Diyonisus si Midas sa kanyang kahilingan. Nang hingi siya kay Dionysus ng lunas para rito at ang sabi ni Dionysus na hugasan nito ang kanyang kamay sa ilog ng Pactolus. Pagkatapos nito ay pinuntahan niya ang ilog at hinugasan na niya ang kanyang kamay ngunit sa hindi niya inaasahang magiging ginto rin ang ilog. Hindi nagtagal siya ay pinarusahan ni Apollo at ginawang tulad ng asno ang kanyang tainga dahil sa kanyang kahangalan. Isang araw siya ay naimbitahan maging hurado sa paligsahang pangmusika. Sa paligsahang ito, si Apollo at Pan ang magkalaban. Pinili ni Haring Midas si Pan kaya nagalit si Apollo at siya ay muling pinarusahan ni Apollo, ginawang niyang wangis sa asno ang tainga nito. Dahil dito, natapantayag na kapag ang mga diyos ang kalahok ay pumanig sa pinakamalakas, ito ay ligtas na paraan.

Members: 
               Christian Rodillas
                       Athena Añoso
                       Marcus Gerardo
                       Mae Legaspi
                       Jan Apelo



          
                                          
                                                      

  
                                                               

7 comments:

AWIT NG INA SA KANYANG PANGANAY

AWIT  NG  INA   SA   KANYANG   PANGANAY Isang  tula   mula   sa  Uganda Salin   sa  Ingles  ni  Jack H.  Driberg Salin  ...