MULLAH: ANG UNANG IRANIAN NA DALUBHASA SA ANEKDOTA
(MGA ANEKDOTA MULA SA IRANIAN)NI M. SAADAT NOURY
1. MAY AKDA
Si Saadat Noury ay isang Iranian author, poet, at journalist. Ang kanyang buong pangalan ay Manouchehr Saadat Noury ("MSN"). Si Saadat Noury ay ipinanganak noong 1939 sa Terhan, Iran. Ang kanyang tatay ay isang Historian at ang nanay naman niya ay isang guro. Si Saadat ay nakakuha ng BA degree sa journalism galing sa Tehran University, MS degree sa Humanity Nutrition galing sa Columbia University, DVM degree galing sa Tehran University, at PhD degree sa Humanity galing sa Vanderbilt University.
2. URI NG PANITIKAN
Ang uri ng panitikan na ginamit sa akda ay ANEKDOTA. Ang anekdota ay isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng isang kawili-wiling insidente sa buhay ng tao. Ito ay maikling kwento ukol sa isang magandang karanasan na nag-iiwan ng aral. Ito rin ay tumatalakay sa partikular na paksa na karaniwan ito mula sa personal na karanasan at kinapapalooban ng iba't ibang emosyon tulad ng kasiyahan, kalungkutan, pagkahiya, pagtataka, o pagkakabigo.
3. TEORYANG PAMPANITIKAN
- BAYOGRAPIKAL- Dahil ipinamalas ang naging karanasan o kasagsagan ng buhay sa may akda at tumutukoy din ito sa "background" ng may akda sa kanyang sinulat na akda.
- KLASISMO- Dahil ang akda ay nakapaglahad ng mga pangyayaring maaring payak naging matipid din sa pag gamit ng mga salita at nagtatapos sa kaayusan.
4. LAYUNIN NG AKDA
- Si Mullah Nassreddin ay kilala bilang isang pinaka mahusay na komedyante sa kanilang bansa. Pinaka mahusay siya sa larangan ng pag kukwento ng katatawanan. Ang akdang tungkol sa kanya ay naghahatid ng isang praktikal na kaisipan.
- Mababasa mo sa akda kung gaano ka totoo si Mullah. Siya ay isang mang-kukwento ng katatawanan at pinangangatawanan niya ito sa totoong buhay.
- Ang akda ay naglalayong magbigay kawilihan at mag-iwan ng aral sa mambabasa ukol sa isang magandang karanasan.
5. TAUHAN/ KARAKTER
Ang tauhan sa akda ay si Mullah Nassreddin o Mullah Nassr-e Din (MND). Siya ang unang Iranian na dalubhasa sa anekdota. Itinuturing din siya na simbolo ng alamat at inilalarawan siya bilang isang mito. Masasabi din namin ang mga tauhan sa anekdota na ito ay anyo ng lipunang ginagalawan natin sapagkat siya ay isang totoo o hindi imbento lamang. Siya ay isang karakter na nag kwekwento ng isang kawili-wiling insidente na nangyayari sa buhay ng isang tao at nagbibigay rin ng aral.
6. TEMA O PAKSA
Ang palaging paksa o tema ng ginagawang anekdota ni Mullah Nassreddin o MND ay tungkol sa pag unawa sa buhay at kaalaman.
7. TAGPUAN
Ang mga nabanggit na tagpuan sa anekdota ay una ang TEA HOUSE kung saan isang uri ng kainan o restoran na tsaa ang ibinebenta o inihahain sa mga kumakain. At ang sunod na tagpuan ay ang BAKURAN NG BAHAY ni Mullah dito ipinakita ang kaganapan kung saan nanghiram ang kanyang kapit-bahay ng isang buriko.
8. NILALAMAN NG AKDA
Patungkol ito sa talambuhay ni Mullah, kung paano naging tanyag ang mga kanyang kwine-kwento at kung paano ito naging mahalaga sa mga tao lalo na sa mga Iranian. Pinakita din ang mga iilang halimbawa ng mga anekdota niya katulad ng "Sukatin Mo!" at ang isa ay ang "Sino ang iyong paniniwalaan?" na pinapakita ang isang simple at payak na buhay ng isang mamamayan sa Iran.
9 . KAISIPAN NG AKDA
Noong panahon na iyon, ginagawang libangan ng mga Iranian ang kanilang buriko. Ito'y kanilang kinahuhumalingan at ginagamit maging uri ng transportasyon. Maaaring pinapahiwatig ni Mullah na ang pako ang sumisimbolo sa mga Iranian at ang buriko ay ang kalawakan dahil halos dito na umiikot ang kanilang mundo.
10. ESTILO NA GINAMIT SA AKDA
Ang istilong ginamit sa akdang ito ay ang kanyang mga karanasan sa buhay at ibinabahagi ito ng kawili-wili ngunit may aral na makukuha rito. Halimbawa nang ayaw ipahiram ni Mullah ang buriko sa kaniyang kapit-bahay kaya naman itinago na lang niya ito upang hindi makasakit ng damdamin at nang sa gayon ay maipakita pa rin ang respeto at pag-galang.
11. BUOD
Si Mullah Nassreddin o Mullah Nassr-e Din ay kinilala rin sa daglat na "MND" ay isang taga pag-kuwento ng mga katatawanan ng Iranian. Sinasabing naka pagsulat siya ng libo-libong nakakatawa at pag iisipang mga kwento. Ngunit inaangkin ng ibang bansa ang kanyang pagkaka mamamayan. Itinuturing siyang Iranian ng mga dalubhasa sa pagsusulat ng mga anekdota. Ang ilan naman ay itinuturing siya bilang simbolo ng alamat at inilalarawan siya bilang isang mito. Ang mga kwento ni MND ay binubuo ng isa sa mga di pang-karaniwang pagkilala sa kasaysayan ng metapisika. Naririnig ang kanyang mga kwento sa programa, radyo, at mga palabas sa telebisyon sa iba't ibang bansa sa daigdig.
Ano po yung hatid na aral mula sa kwento?!
ReplyDeletewag sumagot kong hindi alam ang sagot
DeleteAno Ang hatid na aral sa Mullah Nassreddin?
DeleteEwan ko
ReplyDeleteAno ang paraan ng pagsulat sa akda?
ReplyDeleteAno ang paksang tinalakay sa akdang "Mullah Nassredin"?
ReplyDeleteAng palaging paksa o tema ng ginagawang anekdota ni Mullah Nassreddin o MND ay tungkol sa pag unawa sa buhay at kaalaman.
DeleteHatid na aral-tinutulungan ka sa pag unawa sa buhay at pagbibigay kaalaman
ReplyDeleteSino po ang nagsalin
ReplyDeleteTagpuan po?
ReplyDelete