Monday, December 17, 2018

Long Walk To Freedom


"Long Walk To Freedom"
(Sanaysay mula sa South Africa) 
Ni Mielad Al Oudt Allah 
Salin ni Marina Gonzaga-Merida 



Pagkilala sa may-akda 

  • Isa siya sa apat na nanalo sa paggawa ng sanaysay patungkol sa buhay ni Nelson Mandela at ng bayan nito.Ayon sa aking pagsusuri ang layunin ng may-akda ay ang ipakita ang pinagdaanan ni Nelson Mandela upang makamit ang kalayaan ng South Africa. Layunin din nitong ipakita ang kabayanihan ni Mandela sa bayang kinamulatan.

Uri ng Panitikan 


  • Sanaysay- Isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa isang paksa o kaisipan. Karamihan sa mga paksang inilalahad nito ay nagbibigay ng impormasyon,aral, at aliw sa mambabasa. Ito rin ay maaaring tumalakay sa pang araw-araw na buhay at kapaligiran ng mga tao.
  • Ang sanaysay ay ang paglahad ng may-akda ng sariling opinyon o kuro kuro sa partikular na kwentong kaniyang inilahad.
  • Kung susuriin ang akda, ang sanaysay ni Mielad Al Oudt Allah ay kakaiba sa ibang akda dahil inilahad niya dito ang katotohanan sa likod ng kahirapan ng South Africa at ang kabayanihang ipinakita ni Nelson Mandel sa kaniyang bayan.

Layunin ng Akda 

  • Ang naging layunin ng akdang ito ay ang maipakita ang naging karanasan ng tauhan na si Nelson ang mga naging mga ambag niya upang makamit ng bawat isa ang inaasam na kalayaan. Layunin din nitong magbigay aral na dapat na ipagtanggol at ipaglaban ang inaasam ng kalayaan.

Teoryang Pampanitikan


  • Realismo - dahil ipinakita dito ang naging karanasan ni Mandela.
  • Historikal - dahil sa pagpapakita ng kanyang karanasan ito ay masasalamin at maibabahagi sa kasaysayan.

Tema o paksa ng akda 

  • Ang tema dito ay ang ipagtanggol at ipaglaban ang kalayaan ng South Africa.

Mga Tauhan Sa Akda

  • Nelson Mandela - Ipinanganak noong 1918 sa isang maliit na nayon sa rehiyon ng transkei . Siya ay lumaki sa lipunan na naniniwalang ang puti ay nakahihigit na lahi sa kadahilanang sila ay puti . Siya ang sumulat ng aklat na "Long Walk To Freedom"

  • Gadla Henry Mphakangiswa - Ama ni Nelson Mandela.Itinalagang pinuno ng bayan ng Mrezo.

Tagpuan/Panahon

  • South Africa - ito ay isang bansa sa kontinente ng Africa na may malaking ambag sa kasaysayan ng pakikibaka ng mga mamamayan.
  • Transkei - rehiyon kung saan isinilang si Mandela.
  • Mrezo - kung saan naging pinuno ang ama ni Mandela .
  • Johannesburg-kung saan ang minahan ng karbon.
  • Unibersidad ng S.A -kung saan nakapagtapos ng pag-aaral si Mandela.

Nilalaman/ balangkas ng mga Pangyayari 

  • Makamit ang kalayaan ng mga taga South Africa sa mga makapangyarihan na mga puti. Ipinakita niya rin dito ang kabayanihan ni Mandela sa kalayaan ng mga aprikano.

Kaisipan at ideyang taglay ng akda


  • Hindi hadlang ang kahirapan sa pagtamasa sa tagumpay ng buhay kung ang lahat ng antas ng tao ay magkakaisa ay makakamtam ang kalayaan na hinahangad basta sama-sama at nagkakaisa makakayanan ang suliranin.

Estilo ng pagkasulat ng akda

  • Gumamit siya ng kaniyang sariling karanasan upang ipahatid sa kaniyang mga mambabasa ang kalayaang nais niyang makamtan.Gumamit din siya ng mga salitang madaling mauunawaan ng mga mambabasa kaya't naging epektibo ito sa kabuaan ng sanaysay.

Buod

  • Ipinamulat ni Nelson Mandela sa lahat na kung ikaw ay may pangarap , paninindigan at may pantay-pantay  na pagtingin sa lahat mawawakasan ang sakit ng ating lipunan na makapangyarihan tao lang ang may karapatan ng hustisya,bagkus kung ang lahat ng antas o lebelidad ng tao ay nagkakaisa mabilis lang makakamtam ang kalayaan na hinahangad.

No comments:

Post a Comment

AWIT NG INA SA KANYANG PANGANAY

AWIT  NG  INA   SA   KANYANG   PANGANAY Isang  tula   mula   sa  Uganda Salin   sa  Ingles  ni  Jack H.  Driberg Salin  ...