Saturday, December 15, 2018

BAWAL ANG ANAK NA LALAKE: Aaron Shepard



BAWAL ANG ANAK NA LALAKE
Aaron Shepard
Isang epiko mula sa Congo


Si Aaron Shepard ay isang tanyag na manunulat ng The Legend of Lightning Larry, The Sea King’s Daughter, The Baker’s Dozen, at marami pang iba tulad ng mga pambatang libro. Ang kaniyang mga sulatin ay lumabas na rin sa Cricket  at  Australia’s School Magazine. Tanyag  at kilala si Aaron sa pagbabaliksaysay o “retold” ng mga kuwentong bayan at tradisyonal na literatura ng iba’t ibang bansa sa buong mundo.



URI NG PANITIKAN
          Ang istoryang “Bawal ang Anak na Lalaki” ay isang epiko na nagpapakita sa pakikipagsapalaran ng tauhan at mahabang tula na mula sa sinaunang pasaling tradisyon.

LAYUNIN NG MAY AKDA
          Nais ng akda na ipahayag at imulat ang mga tao na mayroon at hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon ang bawat lahi sa pagkakaroon ng lalaki o babae man na anak. Ang bawat magulang ay dapat mahalin ang anak at ang bawat anak ay dapat mahalin ang magulang.

TEMA O PAKSA NG AKDA
          Ito ay nagpapakita sa tema patungkol sa pamilya, tradisyon, at kultura ng Afrika mula sa Congo.

MGA TAUHAN O KARAKTER SA AKDA

She-Mwindo- Datu ng isang nayon na mayroong pitong asawa at nais lamang magkaroon ng babaeng anak at ipinagbabawal ang anak na lalaki.


Mwindo- Natatanging anak na lalaki ni She-Mwindo. Ipinanganak na naglalakad, nagsasalita at nakaiintindi.

Tiya Iyangura- Tiya na Mwindo na kapatid ni She-Mwindo na lubos na tumanggap kay Mwindo.

Ang paboritong asawa- Paboritong asawa ni She-Mwindo sa lahat ng pitong asawa na ina ni Mwindo.





TAGPUAN AT PANAHON
Nayon ng Tubondo- Kung saan namumuno ang datu at ipinanganak si Mwindo.


Ilog / Pampang- Kung saan pinaanod ang bariles na naglalaman ng sanggol na si Mwindo.


NILALAMAN/BALANGKAS NG PANGYAYARI
          Ang nilalaman ng akda ay ang patungkol sa relasyon ng ama't anak. Nilalaman din ng akda ang tradisyunal na gawain na tulad ng pagbibigay ng dote ng lalaking mag-aasawa o magpapakasal.

MGA KAISIPAN/ IDEYANG TAGLAY NG AKDA
1)   Mayroong tinatawag na bride price o pagbibigay ng malaking halaga ng pera ng pamilya ng lalaki upang maikasal sa anak na babae. Tinatawag na dowry sa ibang kultura, tulad ng dote sa Pilipinas.
2)   Ang pagkakaroon ng kaugalian ng mga taga Congo na Polygyny o pagkakaroon ng maraming asawa ng lalaki.
3)   Ang polygyny ay pinapayagan sa batas ngunit ang polyandry o pag-aasawa ng marami ng isang babae ay ipinagbabawal.
4)   Ang pagiging makapangyarihan at kakaibang sanggol ni Mwindo ang naging susi para mapatunayan na hindi dahilan ang pagiging lalaki para siya’y hindi matanggap ng kaniyang ama.

ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
          Ang akda ay mayroong istilo sa pagsulat ng epiko kung saan nagsasalaysay ng mga pakikipagsapalaran ni Mwindo at paraang patula sa parte ng pagpapakilala at pagpapahayag ni Mwindo.


TEORYANG PAMPANITIKAN
REALISMO Naipakita na mayroong mga anak na hindi nakakatanggap ng pagmamahal at pagtanggap mula sa kanilang sariling mga magulang.
EKSISTENSYALISMO    Ang pagdedesisyon ni Mwindo na iwan ang kaniyang totoong ama at ina upang pumunta sa kaniyang Tiya dahil doon ay matatanggap siya.
SOSYOLOHIKAL       Ang mga paniniwala sa pagkakaroon ng anak ay likha ng kasaysayan, kultura, ideolohiya at kaisipan ng lipunan at kapaligiran sa akda.
MORALISTIKO Pinili ni Mwindo na huwag patayin at parusahan ang kaniyang ama, bagkus ay patawarin ito pagkatapos harapin ang pagsubok at kagustuhan ng kaniyang ama na siya’y patayin.
HISTORIKAL     Ang istorya ay umiikot sa kasaysayan at nakagawiang kultura ng mga taga Congo.

BUOD
          May dakilang datu na nagngangalang She-Mwindo mula sa nayon ng Tubondo. Isang araw ay ipinatawag niya ang kanyang mga taga payo, pitong asawa at mga mamamayan na kaniyang nasasakupan. Inanunsyo ng datu na anak na babae lamang ang kanyang tatanggapin at kung magkagayon na magkaroon siya ng lalaking anak ay kaniya itong papatayin. Sabay-sabay na nabuntis at naisilang ang anim na anak na babae. Hindi lumabas ang anak na si Mwindo dahil sa hindi siya katanggap tanggap para sa kanyang ama. Nasaksihan ng datu ang kakaibang sanggol na naglalakad, nagsasalita at nakaiintindi kaya’t sinibat niya ito. Hindi tinamaan ang sanggol, lahat ng paraan upang mapatay ito ay hindi naging posible tulad ng paglilibing at pagpapaanod sa ilog.
          Pumunta si Mwindo sa kanyang Tiya Iyangura at doon ay tinanggap siya. Si Mwindo ay lumaki at nagbalak na kalabanin ang kaniyang ama. 
          Sinubukan siyang gapiin sa pamamagitan ng sibat at pagdaluhong sa kaniya ngunit ang conga ang nagpatumba sa mga tauhang kalalakihan. Tumakas ang kaniyang ama ngunit hinabol niya ito. Ipinahayag ni Mwindo na hindi niya papatayin ang kaniyang ama. Nagkapatawaran ang mag-ama at tinanggap ng Datu ang anak na si Mwindo.

No comments:

Post a Comment

AWIT NG INA SA KANYANG PANGANAY

AWIT  NG  INA   SA   KANYANG   PANGANAY Isang  tula   mula   sa  Uganda Salin   sa  Ingles  ni  Jack H.  Driberg Salin  ...