Wednesday, November 28, 2018

Ang Aking Pag-ibig


“ANG AKING PAG-IBIG”

Ni Elizabeth Barret Browning 

1. PAGKILALA SA MAY-AKDA 

                

                                        Ang mga tula ni Elizabeth Barret Browning ay nagdulot ng paghanga ng manunulat na si Robert Browning. Sila ay nagkaroon ng komunikasyon bagamat ang kanilang sulat, panliligaw, at kasal ay isinasagawa nila ng palihim dahil sa takot na di-pagsang-ayon ng kanyang ama dito. Ito ay ang nag-udyok sa kanya upang gawin ang tulang “Ang Aking Pag-Ibig” na inaalay niya sa kanyang asawa. 



2. URI NG PANITIKAN 


                       Ito ay isang tulang pandamdamin o liriko. Nakakalikha ito ng musika sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salita. Matindi at may mayamang damdaming tinaglay. May mga indayog na taludtod, pagsisising-isang tunog ng mga huling pantig bukod pa sa paggamit ng mga maririkit na paglalarawan.


3.   LAYUNIN NG AKDA 


                      Maikling tula na ang layunin ay maipakita ang personal na damdamin ng isang tao sa kanyang minamahal. Ito ay naghahatid ng aral tungkol sa wagas na pag-ibig sa mga mambabasa.


PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN:


                      Masasalamin sa tula ang Romantisismo- Ito ay nagpapakita ng wagas na pagmamahal gaya ng “Iniibig kita nang buong taimtim, sa tayog at saklaw ay walang kahambing lipad ng kaluluwang ibig na marating ang dulo ng hindi maubos-isipin.” na buhat sa teksto ng tula. Imahismo- ito ay tumutukoy sa mga salitang kapag binabanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa at kung saan ay nagpapataas ng damdamin ng mambabasa. Sa linyang “kasingwagas ito ng mga bayaning marunong umingos sa mga papuri” na galing sa teskto ay makikita natin ang larawan ng isang tapat na umiibig na handang iparamdam ang kanyang paghanga sa kanyang minamahal.


4.   TEMA O PAKSA NG AKDA


                    Ang tema ng tula ay ang pagkakaroon ng malalim na damdamin sa isang tao kung saan ay handa kang ibigay ang iyong ngiti, luha, buhay at hininga ng walang hinihinging kondisyon o gantimpala maparamdam lamang ang pagmamahal sa taong ito.


5.  MGA TAUHAN/KARAKTER NG AKDA

                Ang karakter na buhat sa tula ay isang halimbawa ng tao sa mundo kung saan ay nilikha ng lipunang ginagalawan na nakakaranas ng magmahal. Hindi ito simpleng pagmamahal lang bagkus ito ay wagas na pagmamahal kung saan ay handa siyang  gawin lahat para lamang sa kanya.


6.   TAGPUAN/PANAHON

                  Noong 1850, inilathala ni Elizabeth ang mga soneto ng pag-ibig mula sa Portuges. Ang mga koleksyong ito ay inialay niya sa kanyang asawang si Robert Browning na isinulat niya nang palihim noong panahon kung saan siya ay nanliligaw pa lamang sakanya.


7.    NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI 


                    Ang mga nilalaman ng mga pangyayari ay karaniwan nang makikita sa ating lipunang ginagalawan. Para sa amin, wala ng kakaiba tungkol dito dahil halos lahat na ng gumagawa ng tula ay binibigyang pansin ang pag-ibig kung saan ay naglalaman ito ng matinding damdamin. Masasabi naming luma na ang mga pangyayari sapagkat noon pa man ang mga tao ay lubos na pinahahayag ang kanilang pagmamahal sa kanilang minamahal.


8.   MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA


                  Ang mga kaisipang taglay nito ay wala siyang katulad sa taglay niyang kagandahan. Sa hirap man o sa ginhawa ay handang magpaalipin para lamang sa kanya. Magkahiwalay man ay hindi mawawala ang pag-ibig niya bagkus ay lalong iibigin pa siya.


9.   ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA


                    Gumamit ng matatalinghagang salita sa kabuuan ng teksto. Naging epektibo ang paggamit ng matatalinghagang salita dahil nakuha nito ang aming mga damdamin. Angkop na angkop  ang antas na pag unawa dahil karaniwan na ang mga ito. Naging masining ang pagkakagawa nito dahil sa paggamit ng mga matatalinghagang salita na nagbigay ng kulay sa kabuuan nito. Ito ay may kahalagahan ng tutugon sa panlasa nga mga mambabasa sapagkat ang mga tao mngayon ay pinagtutuonan ng pansing ang pag-ibig. Ito din ay isang mahusay na akda dahil nabigay nito ang lahat ng aming hinahanap.


10. BUOD 


                     Ang tunay na pagmamahal ay higit sa lahat ng bagay sa mundo. Ito ay isang banal na damdamin na nagbibigay ng pakiramdam ng pagiging kumpleto. Dito masasalamin ang pakikipaglaban at pagsisikap sa bawat isa. Ito ay hindi mawawala sa ginhawa man o sa hirap ng buhay ng bawat isa. Ito ay nagnanais ng kaligayahan para sa taong minamahal kahit na nangangahulugan pa ito ng pagkawasak ng inyong sarili.




                                                                                                          














No comments:

Post a Comment

AWIT NG INA SA KANYANG PANGANAY

AWIT  NG  INA   SA   KANYANG   PANGANAY Isang  tula   mula   sa  Uganda Salin   sa  Ingles  ni  Jack H.  Driberg Salin  ...