Wednesday, November 28, 2018

ARAW NA MAY REBOLUSYON

Ni Manzoura Ez Eldin

 Isinalin ni Cristina Dimaguila-Macascas

                                                Sanaysay mula sa Ehipto



                        1. Pagpapakilala Sa May Akda


Mansoura Ez Eldin



  Si Mansoura Ez-Eldin ay isang novelist at journalist ng ehipto. Ipinangak siya sa Delta Egypt noong 1976. Nag-aral siya ng journalism sa Faculty of Media, Cairo University at naglimbag ng maikling kuwento sa mga diyaryo at magazine. Nalimbag niya ang unang koleksyon ng mga kuwento, isa dito ay ang Shaken Light noong 2004. Nasundan pa ito ng dalawang nobela ang Maryans Maze noong 2004 at ang Beyond Paradize noong 2009. Ang kanyang mga gawa ay naisalin sa iba't ibang lengwahe




2. Uri Ng Panitikan

      

               > Sanaysay

                 - Sanaysay ito, dahil isa itong uri ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan.



3.Layunin Ng Akda



               Ang layunin nito ay maipakita ang kaharasan ng pamahalaan sa mga ehipto. Nais ng mga ehipto na makamit ang kanilang kalayaan ngunit hindi ito pinagkaloob ng pamahalaan kung kaya nagkaroon ng protesta at kaharasan sa pagitan ng mga Ehitp at Gobyerno.



Paglalapat ng teoryang pampanitikan

> Humanismo - Dahil ang teoryang ito ay nakasentro sa mga tao, makikita sa sanaysay na angbibigay pansin sa mga tao ng Ehipto. Binibigyan ng pansin ang kanilang mga pamumuhay sa bansang ito.

> Realismo - Ang teoryang ito ay tumutukoy sa mga iba't ibang bahagi o pangyayari sa literatura na maaring mangyari sa totoong buhay. Ang mga halimbawa ng mga pangyayaring ito ay ang paghihirap sa ilaim ng isang diktator, ang isa pa ay ang pagkakarooon ng rebolusyon ang  mga tao kung sila ay hindi sang-ayon sa gawain ng kanilang gobyerno.

> Sosyolohikal - Ang teoryanbg ito ay nakapokus sa lipunan, Sa sanaysay, ang lipunan ng Ehipto ang binigyan pansin natin at natutunan natin ang mga nangyayari sa lugar na 'to.

      


4.Tema O Paksa Ng Akda


> Ito ay napapanahon dahil ang pangyayari sa sanaysay ay maaring makita pa rin sa ating panahon, tulad ng mga protesta, pagkakaroon ng diktador, at ang "Internal Conflict" o paglalabon sa loob ng isang bansa, maaring masabi ito'y tao laban sa gobyerno o tao laban sa tao.



                                5.Mga Tauhan/Karater Sa Akda


Mga Tao Sa Ehipto

Pulis

Pangulong Mubarak


                                       >Zine El Abidine Ben Ali


  


                                    6.Tagpuan/Panahon


> Enero 25

> Church of St.George

> Distrikto Ng Coptic

> Suez

> Tharir Square

> Corniche Street


7.Nilalaman O Balankas Ng Pangyayari


> Madali itong maintindihan dahil ginamitan ito ng point of view ng isa sa mga biktima ng mga panahong iyon, kaya mas lalo pa nitong pinalawak ang ideya kung gaano naghirap ang mga tao noon.


8.Mga Kaisipan O Ideyang Taglay Ng Akda

>  Ang ideya sa sanaysay na ito ay base sa isang totong pangyayari sa Ehipto noong makalipas na taon na nangyari dahil ang mga tauhan sa Ehipto ay hindi sangayon sa kanilang gobyerno at sila ay nagsimula ng rebolusyon laban sa diktador ng bansa.

9.Estilo Ng Pagkakasulat Ng Akda

> Hindi ito gumamit ng mga matalinhagang salita sa sanaysay pero madlai namang naintindihan ang mensaheng nais ibatid nito dahil ang hindi paggamit ng matatalinhagang salita ay nadali ang mga tao/kabataan dahil hindi na nila kailangan pang umisip ng mas madaling salita.

10.Buod

> Ang buod ng sanaysay ay umiikot sa mga taong nagproprotesta dahil sila ay humihingi ng kapayapaan. Ipinakita rin dito ang hindi makataon ganap katulad ng pagpapahirap, paghahagis ng tear gas, at iba pa. Ipinakita na ang nangyari ay ang mga taong hindi sumasangayon sa mga ginagawa ng gobyerno at nagproprotesta para baguhin ito, at sila'y nagtagumpay na pabagsakin ang dating presidente na si Zine Al-Abidine Ben Ali, kung saan, dahil sa mga protesta na ito ay napilitang tumakas sa labas ng bansa


               












1 comment:

AWIT NG INA SA KANYANG PANGANAY

AWIT  NG  INA   SA   KANYANG   PANGANAY Isang  tula   mula   sa  Uganda Salin   sa  Ingles  ni  Jack H.  Driberg Salin  ...