PAGKILALA SA
MAY AKDA
Ang kwento ng suwail na bata ay isinulat ni
Samuel Langhorne Clemens na kilala din bilang Mark Twain, ay tanyag o sikat na
manunulat sa bansang Amerika. Marami na siyang naisulat na mga akda at nobela
na maituturing na klasikal at may malaking ambag sa panitikang pandaigdig gaya
ng mga nobelang "The adventures of Tom Sawyer" at ang
"Adventures of Huckle Finn". Iilan lamang yan sa mga kanyang naisulat
na hanggang ngayon ay masasabi nating binabasa parin hanggang sa kasalukuyan.
ang nag udyok sa kaniyang isulat ito ay dahil sa kaniyang karanasan sa buhay.
Napansin niyang ang mga tao ay tila ba gumagawa ng masama at umaasang hindi
mahuhuli ngunit sa realidad ay kabaligtaran di tulad ng kaniyang likha na si
Pedro na kakambal ng suwerte.
Samuel Langhorne Clemens
o Mark Twain
LAYUNIN NG AKDA
Ang layunin
ng may akda ng kwento ng suwail na bata ay ipakita ang kaibahan ng panlabas sa
katotohanan. Tulad na lamang ng pangalan ng pangunahing tauhan na si pedro,
sinasadya ng may akda na gamitin ang pangalang Pedro dahil sa libro ng
katekismo ang mga may ngalang Pedro ay laging napapasok sa gulo o laging
napapahamak. At sa kwento naman na ito ay pinapakita na kung paano sya nakaiwas
sa mga pangyayaring ito. Layunin din nito naipaalala sa atin na hindi tayo
kailanman magiging katulad ni Pedro na kakambal ng suwerte lalong lalo na sa
paggawa ng kasamaan. Na kung saan hindi mahuhuli at hindi mapaparusahan.
URI NG PANITIKAN SA KWENTO
Ang kwento
ng suwail na bata ay masasabi natin na nabibilang sa mga Maikling kwento, dahil
kitang kita naman sa kwento na naka pokus sa iisang mahalagang pangyayari na
kinakasangkutan ng isang tauhan. Ito din ay tulad ng ibang panitikan na may
layon na mag iwan ng mahalagang aral.
MGA TEORYANG PAMPANITIKAN SA
KWENTO
Isa sa
teoryang ginamit ay ang teorya ng realismo sapagkat mababakas na ang maikling
kuwentong ito ay maaring maihambing sa realidad tulad ng mga ginawa ni Pedro sa
nasabing akda.
ikalawa
ay ang teoryang sikolohikal sapagkat may
mga salik na bumuo sa paguugali o behavior ng pangunahing tauhan tulad nga ng
kaniyang ina na walang pakielam sa kanya na kung saan siya ay laging
pinarurusahan di tulad ng nasa katekismo.
ikatlo ay
ang teorya ng bayograpikal sapagkat ang karanasan ng may akda ang nagudyok na
likhain itong nasabing maikling kwento na pinamagatan na "Ang Kuwento ng
Suwail na Bata.
Ikaapat ay
ang klasismo sapagkat nagtataglay ang akda ng mga di karaniwang salita na
nagbibigay dito ng magandang istruktura.
Ikalima ay
ang dekonstruksyon sapagkat ang akda ay hindi maaaring isilid sa kahon dahil
ito ay tunay na nagtataglay ng wagas na aral.
Karagdagan ay taliwas ang pangyayari sa kwento kaysa sa nangyayari sa
totoong buhay.
TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang tema ng
maikling kwento ng suwail na bata ni Mark Twain ay lahat ng tao ay may kaniya
kaniyang nakaraan at istorya na mag sasabi o mag papakita kung sino sila tulad
ngani Pedro sa nasabing akda.
MGA TAUHAN / KARAKTER SA AKDA
Sa kwento ng
suwail na bata ay pinangungunahan ng bida na si Pedro na kung titingnan ay tila
may kakambal na suwerte dahil taliwas lahat sa nangyayari sa mga kwento, na
laging malas at napapasok sa gulo. Isama mo pa ang karakter na si Jose na kung
titingnan ay mukhang mabait at sa mga libro ay lagging naliligtas laban sa mga
pambibintang na nangyayari sa kwento. Masasabi natin na taliwas lahat ng
pangyayari sa libro ng katekismo sa pangyayari sa kwento na isinulat ni Mark
Twain at masasabi natin na ito ay kawili wili basahin dahil kakaiba sa mga
pangyayari sa mga normal na ating nababasa.
TAGPUAN / PANAHON SA AKDA
Hindi gaano
pinagusapan ang tagpuan/panahon sa maikling kwentong ito, ngunit binigyan naman
nito ng pahiwatig ang mga aksiyon ng pangunahing aktor na si Pedro. Alam natin
na nakatira siya sa maliit na nayon na may maliit na ilog at matatalinong
mamamayan. Hindi siya nalunod at tinamaan ng kidlat noong bumabagyo habang siya
ay nangingisda sa araw ng linggo. Ang tagpuan ay tunay ngang tinulungan ang
paraan na gagamitin upang ipakita ang masasamang pangyayari dahil sa kagagawan
ni Pedro.
NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA
PANGYAYARI
Ang maikling
kwentong ito ay masasabi naming hindi gasgas na pangyayari, sapagkat hindi ito
ang kadalasan nating naririnig sa realidad at sa ibang akda. Sa maikling
kwentong ito ay mababakas natin ang ipinagkaiba ng nangyayari sa isang suwail
na bata sa katotohanan at sa akdang ito na kung saan si pedro ay kakambal ng
suwerte. Maayos at maganda ang pagkakalikha sa maikling kuwentong ito at tunay
na naipaihawatig ang nilalaman mula sa simula hanggang sa wakas. Ang aral na
matutunan dito ay hindi sa lahat ng pagkakataon ay katulad tayo ni pedro na
kapag gumawa ng isang masamang gawain ay hindi tayo mapaparusahan dahil ang
katotohan ay mabubunyag pa rin ang mali at bibigyan ng leksyon ang sino mang
gumawa nito.
MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY
NG AKDA
Ang kaisipan
ng maikling kwentong ito ay hindi lahat ng masama ay hindi magiging matagumpay
dahil may mga pagkakataon na ginagamit nila ang kasamaan upang sila ay umunlad
tulad ni Pedro.
ESTILO NG PAGSULAT NG AKDA
Epektibo ang
pagkakasulat ng may akda sa kaniyang maikling kuwento sapagkat ito ay madaling
unawain dahil nasasabi natin na ang bawat pangyayari ay may malinaw na relasyon
sa isat isa kaya mas madaling maunawaan ang kabuuan ng nasabing akda. Masining
ang pagkakagawa ni Mark Twain sapagkat hindi nakakabagot basahin at tunay na
maiintindihan ito ng mambabasa dahil sa
ito'y katotohanan.
BUOD NG AKDA
May isang
bata na nagngangalang Pedro hindi siya tulad ng mga pedro na nasa katekismo, Siya
ay kabaligtaran ng lahat ng nasa katekismo. Isang araw ay kinain niya ang halaya ng
kaniyang ina at ng paaminin siya ay nagsinungaling parin siya kaya sinaktan
siya nito. kinuha
niya ang kutsilyo ng kanyang guro at sa takot na mapalo ay inilagay sumbrero ni
Jose. Hindi siya naparusahan sa halip ay si Jose. Sa huli ay namatay ang mga
magulang ni Jose. Nang siya ay tumanda ay bumuo siya ng malaking pamilya ngunit
pinatay niya rin ang mga ito at siya ay naging kasapi ng kongreso at
nirerespeto. Tunay na kakambal niya ang suwerte. Patuloy pa rin ang masasamang
gawain niya tulad ng pandarambong.
MGA MIYEMBRO:
ENRIQUEZ, EMIL CLARENCE U.
MANUEL, JASON PAUL S.
LIMPO, MICHAEL ELIJAH D.
NIALA, CATHLEEN A.
CERVANIA, ELVIN JOHN S.
No comments:
Post a Comment